TULA
BARYA

Habulin,
_______habulin!

ang baryang gumugulong
patungo sa kanal,
ang baryang kanina'y nadulas
mula sa munting palad,
ang baryang limos
ng mga nagdaraang tao,
ang baryang sana'y iaabot
sa mamang fishball sa kanto.
_______Kalam ng sikmura'y
sasagutin ng gumugulong na barya,
habulin,

at panooring mahulog sa estero.

---------------
Si Phillip Kimpo Jr, 19, ay isang estudyante ng Inhinyeriya sa UP Diliman, kung saan siya ay patnugot ng dalawang pahayagan. Kabilang sa kanyang mga interes ang pagsusulat, basketbol, at computer science.

Karapatang-ari © 2001-2005 Tinig.com
at ng mga may-akda
Reserbado lahat ang karapatan