Wala ka nang masabi?
Palagi namang ganyan e.
Yan na lagi ang naririnig ko sa 'yo.
Baka mamaya, masakal na kita sa inis.
Wala ka na namang masabi?
Sus! May nagbago pa ba?
Ba't di mo na lang kasi aminin e.
Mahal mo ko, higit sa magkaibigan.
Wala ka talagang masabi?
Kung pagtatapat mong gusto mo ko,
Okey na sa kin kung lagi kang tameme.
Kasi alam ko, patay na patay ka sa kin.
Ano? Wala ka pa ring masabi?
Ganito na lang ba palagi?
Kung sabagay, wala rin naman akong masabi.
Meron --- kaso hindi pwede.
Wala ka kasing sinasabi.