TINIG
Kapayapaan sa Isla ng Mindoro!

Ang isla ng Mindoro ay binubuo ng dalawang lalawigan: Oriental at Occidental. Ang Oriental ay may 15 bayan at 11 ang sa ang Occidental 11. Maraming mga magagandang lugar nakatago rito gaya ng nakakabighaning talon sa lambak ng Halcon! At may ibat ibang tribo na nakatira rito. Dito rin makikita ang tamaraw na ipinagmamalaki ng mga Mindorenyo!

Subalit sa pag-agos ng panahon, kasabay na naanod ang ang dating katahimikan at kapayapaan ng Isla. Nang palayain ang dating bihag na si Major Buan ng mga komunista, kasabay nito ang pagdagsa ng mga batallion ng Special Action Forces ng militar. Lumaganap sa lugar ang paglabag sa karapatang pantao. Dumami ang nanangis sa kanayunan at maging sa kalunsuran dahil sa patuloy na pagtugis ng mga militar kontra sa mga makakaliwa. Laging ang sibilyan ang nadadamay sa walang kwentang tunggalian!

Maging ang mga nagsusulong ng karapatang pantao ay hindi na inirespeto at ang mga katutubong payapang naniniraan ay kanilang binulabog. Patuloy ang madugong pagsupil sa mga alyansyang naglalayon ng katahimikan para sa lalawigan.

Isa sa mga biktima si Vice Major Juvy Magsino at ang mga martir na nagbuwis ng kanilang buhay para sa mamamayan. Ngunit hanggang ngayon, wala pa ring hustisya para sa kanila.

Ano nga ba ang magagawa mo kung walang kang pera? Kahit saan, talo ka. Isa itong realidad sa lipunan. Maraming uhaw sa katarungan na sumisigaw para sa kanilang hustisya!

At ang inisigaw ng mamamayan: "Militar sa kanayunan, palayasin!"

Isulong Mindorenyo, ang demokrasya at kalayaan! Wakasan ang pagmamalupit ng mga naghaharing uri sa lipunan! Rosas para sa sambayanan!

 

---------------
Si joeffrey, 22 , ay nag-aaral sa Philippine Christian University.

Karapatang-ari © 2001-2005 Tinig.com
at ng mga may-akda
Reserbado lahat ang karapatan