Pilipinas--isang dakilang nasyon; nakaranas ng maraming delubyo't
pagbagyo sa nakalipas na mga henerasyon; tahanan ng mga magigiting
na mga pinuno na ang tanging minimithi ay mapabuti ang bansang kinalakihan
at maiahon ang Inang Bayan sa putik na kinasisidlakan. Sila ang mga
Dakilang Lakan na ang hangad ay ibangon ang Inang Bayan sa paraang
kanilang nalalaman.
Ang mga ninais kamtan ng ating mga pinuno ay di madaling maisakatuparan
ngunit silay nagpakita ng ibayong lakas at tapang at 'di kailanman
sumuko sa mga problemang kanilang pinapasan. Maraming bumabatikos
sa kanilang mga layunin ngunit sa tingin koy ginawa lamang nila
ang paraang sa tingin nilay nararapat at tama para sa ating
bansa. Kahit ibat-iba ang pananaw ng bawat isa at ibat
ibang prinsipyo ang kanilang pinaniniwalaan at ipinaglalaban mayroon,
pa rin silang magkasinghalintulad at iyon ay ang pagkalinga, pagpapahalaga
at pagmamahal sa Inang Bayan.
Ang Pilipinas, ang Perlas ng Silangan, ay patuloy sa pagtanaw ng
bukas kasama ang mga bagong pinunong haharap sa mga panibagong delubyo.
Ngunit ang mga bakas ng kahapon ay 'di kailanman makakalimutan: ang
mga Dakilang Lakan na nag-iwan na ng kanilang marka at kontribusyon
sa pagsulong ng ating bansa bilang isang nasyong matatag at malaya.