MULA SA PATNUGOT
Muli, Ang Tinig.com

Ilang buwan na ang nakalilipas mula nang ihain namin sa inyo ang pinakahuling isyu ng Tinig.com. Matapos kong muling hingin kina Alex at Aris ang pamamahala sa pag-a-upload ng files, saka naman nag-simula ang paulit-ulit na pag-iinarte ng aking computer. Ang resulta, muling nabinbin ang mga artikulo, maikling kuwento, tula, at iba pang kontribusyon ninyo.

Ngunit kailangang isilang ang panibagong isyu. Sa kabila ng kaawa-awang kalagayan ng aking PC, pinilit kong mailabas ang Tinig.com v41. Paumanhin kung iniwan na ng panahon ang ilang materyal na nasa isyung ito. Babawi kami sa susunod.

Sa mga nagtiyagang maghintay at magtanong, maraming salamat.

Narito muli ang Tinig.com. Hindi namin nais na manahimik sa gitna ng samu’t saring isyung kinakaharap ng mga kabataang Pilipino at ng buong bansa.


EDERIC P. EDER
Patnugot

Karapatang-ari © 2001-2005 Tinig.com
at ng mga may-akda
Reserbado lahat ang karapatan