Gusto ko lang pong bumati at magpugay sa Tinig.com
Kailangan natin ngayong magsalita ang kabataan para sa pagbabago. Kasi ang matatanda, nakakapagod na ang kanilang pulitika.
Ang kailangan natin ay mga bagong idea, at pagbabalik sa wisdom ng ating mga ninuno, kaisipan ng kapatiran at pagmamahal at paggagalangan sa isa't isa. Posible pa itong mangyari, basta, iwasan na natin ang dogmatiko at mesyanikong idealismo ng Kristo at Komunismo.
Ang kailangan natin ngayon ay magkaroon tayo ng mga bagong pilosopo, makatao at siyentipiko. Matuto na tayo sa mga political animal na naging lider ng bansa, kanan man o kaliwa. Marami tayong mga political thinkers, pero wala tayong naproduce na philosopher. Kailangan natin ay philosopher mula sa tradisyon ni Bonifacio, Jacinto, Rizal at Mabini, Itakwil natin ang mga political animal tulad nina Aguinaldo, Marcos, at mga nagpapatayang lider komunista. Kailangangang umabante na ang Pilipinas.
Sabi nga ng isang kaibigan, nasa golden age tayo ngayon ng dekadensya, Kongreso, Senado, Malakanyang, at mga lider komunista na mahilig magpatayan dahil sa nag-iisang bandera ng katotohanan.
'Yan lang po, at mabuhay kayo.
Vilma Morales
Mindanao