LIHAM
Naglalabas ng Sama ng Loob

Gusto ko lang ilabas ang aking sama ng loob paukol sa mga Marcos. Nakukutya ako dahil wala pa ding kadaladala iba nating kababayan at sila pa din ay nasa pulitiko.

Naalala ko pa nung una akong magkaaisip, isang umaga na naghamog sa aming bayan sa San Jose City, N.E..Tuwang tuwa ako pero iyon ang pinakahuling kong alala ng hamog dahil sa pagputol ng mga malalaking puno sa tabi naming mga bundok. Lagi na lang nagbabaha sa amin tuwing babagyo.Laging walang kuryente,minsan anim na buwan pa. At kung anu ano pang kabaluktutan ng mga pulitiko.

Sabi nila masarap daw dito sa Amerika, pero sa akin hindi. Iba pa din syempre sa sarili nating bayan. Di ka kailangang mag-Ingles, makisama sa kagawian ng ibang lahi. Malayo ka pa sa mga kaibigan mo.

Kung umuwi man ako sa Pilipinas anong kinabukasan ko at di naman ako nakatapos ng kolehiyo dyan sa atin.

Kung di man ako mapatawad sa aking mga kasalanan at ihulog sa impiyerno. Masaya na ako na makita ko mga Marcos doon....

Dennis Talplacido
Los Angeles, CA

Karapatang-ari © 2001-2005 Tinig.com
at ng mga may-akda
Reserbado lahat ang karapatan