TULA
Maskara ng Kahinaan

DALAWANG URI ang iyong pagkatao
Hindi ko mawari kung alin ang totoo
Isay inilalantad, isa'y tinatago
matigas malambot o mamon na puso

Pabagobago iyong katauhan
Ang nararapat hindi ko malaman
Ang isang bahagi'y pilit tinatakpan
Ng maskarang yari sa kahinaan

Ang isang katauhay kawangis ni eba
Katangian ni Adan sa isa nakita
Magkabilang panig, salungat kaiba.
Ang kabuuan, ano't ano nga ba?

Mga agam-agam pumapailalim
Mga katanungay nakaririmarim
Mga pang-aapi'y sa iyo nagdidiin
Nais ng lipunan ikaw ay litisin.

Tanging pagbabagong iyong hinahanap
Naway tanggapin hangad ay paglingap
Mula sa taong kaagapay sa hirap
Sa kabila ng dalawang katauhang di tiyak

---------------
Si Mark Raywin ay 15 taong gulang na nais maisatinig ang nilalaman ng damdamin sa pamamamagitan ng tula.

Karapatang-ari © 2001-2004 Tinig.com
at ng mga may-akda
Reserbado lahat ang karapatan