TULA
Counterstrike

HANGGANG SAAN aa
bot
ang paglalaro natin—
sila bilang terrorist
at tayo, counter-terrorist
kung hindi matutong tumalon
ayon sa iyong hilig,
o tumak
bo
nang nakapikit,
o sumayaw,
sumunod
sa anino mong hambog?

malapit na,
ilang laro pa
at
ma
pa
pa
tid
na
nang tulyan
ang ating alyansa.

matagal na kitang
gustong matira
sapagkat hindi sila,
kundi ikaw
ang terorista.

---------------
Si Kristoffer Berse ay gradwado ng Public Administation sa U.P. at kasalukuyang nagpatuloy ng pag-aaral sa Japan. Nangangarap siyang makauwi na agad sa Pinas at minsan pang matikman ang tamis ng pisbols at bango ng isaw sa may Ilang-Ilang.

Karapatang-ari © 2001-2004 Tinig.com
at ng mga may-akda
Reserbado lahat ang karapatan