TULA
Pido Dido

ANG BAGA sa baga
maitim.

Kung baga sa baga,
hindi pa nagagamit

Ngunit ang baga sa baga,
may tuberkolosis.

Kung baga sa baga
ayaw sumindi.

Pag hinango
ang baga sa baga
isasawsaw sa suka
ang mahuli
taya.

Kung baga sa baga,
sa tiyan ay kolera

---------------
Si Ernanie Rafael ay isang mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas. Ayaw nya sa mga konyo na di kayang kumain ng inihaw na baga at dugo.

Karapatang-ari © 2001-2004 Tinig.com
at ng mga may-akda
Reserbado lahat ang karapatan