PINAGKAITAN NG karapatang umidlip
Sabik nang ipikit ang mga mata
May anino na ang bawat bagay
At may buhay na ang karamihan
Hinahanap pa rin ang katahimikan
Magdamag kausap ang kisame
Baka sakaling ito'y sumagot
Tanging yakap ay mga unan
Na sana'y magdala sa panaginip
Hinahanap pa rin ang katahimikan
Nananaginip na mulat ang mata
Namamasyal ang kamalayan
Maraming tanong na itinatago
Ang isipang inaantok
Hinahanap pa rin ang katahimikan
At pag nahanap na ito
Sana'y mawala ka na sa utak ko.
---------------
Aika, 16, is a Thomasian professional bum who plans to rule the world
someday. This poem is her 1st attempt to create a more "mature"
poem and she hoped she succeeded. She spends most of her time at the
university library, where there is a free internet access and the
rooms are air-conditioned.