|
Hindi Sagarang
Pagpasok
ni Ma.
Sonia G. Astudillo
Balik
sa unang pahina
Mayabang kami
noong college. Syempre taga-Kolehiyo ng Pangmadlang Komunikasyon.
Kami lang
yata ang kolehiyong nakapanghihimasok sa buhay ng lahat ng tao.
Bukod sa nagbabalita kami tungkol sa lahat ng uri ng tao, ang
mga tao mismo maluwag kaming tinatanggap sa buhay nila. Aba, kahit
saang liblib na lugar, basta may linya rin lang ng kuryente e
sigurdong may TV o radyo. Kahit pa sa kapit-bahay yon, makikipanood
ka o makikipakinig. At halos lahat naman yata ng tao e nakahawak
na ng dyaryo, kahit pa dyaryong pinambalot ng tinapa.
Ganyan ang
pagmamahal nating makipag-usap, kahit sa TV, sa dyaryo, radyo
o telepono. Basta palaging mahalaga ang komunikasyon. Kaya pakiramdam
ko noon, ganoon ako kahalaga.
Kaya lang,
sa tuwit-tuwing matatrapik ako, nakikita kong ang dami pa
palang ibang Quiapo Pier na dyip. Hndi nga lang galing sa Philcoa,
pero Quiapo Pier pa rin.
Nung magtagal-tagal
ako sa trabaho, nalaman kong hindi naman pala ako unique. Nung
minsan, nakikipaghabulan ako sa balita, halos magkandahulog ako
sa hagdanan para mauna sa balita. Pagdating sa press room, nakipag-agawan
naman ako ng computer. Nang maipadala ko na ang balita, pakiramdam
ko, scientist akong may nasulat na namang bago, may bagong imbensyon.
Kinabukasan
paglabas nung balita, iba ang byline. At hindi lang sa dyaryo
namin lumabas. Nagreklamo ako syempre. Yun pala naunahan ako nung
kasama ko. Ang nainterbyu nya yung key personalities, yung talagang
involved. Yung sa kin, mga witnesses lang. Halos wala raw
kinuha sa balita ko kaya hindi man lang naidugtong ang pangalan
ko kahit sa dulo ng balita, kahit pa yung nakakulong sa parenthesis,
ok na rin sana yon.
Marami kami,
nakatanga sa trapik light, nag-aantay na mag-go nang makaandar
na at makarating sa pupuntahan. Kaya lang minsan pagdating mo
doon, may nauna"na pala. Dapat mauna ka. Minsan naman nauna ka
nga, wala naman palang istorya. Pero kahit ano pa, dapat makipagkarera
ka sa paghabol. Pare-pareho lang kayo ng pupuntahan.
Ilan ba kaming
reporter? Kahit ako hindi ko masasagot yan. Sa isang dyaryo pa
lang, ilan na kaming nag-aagawan ng space. Taun-taon pa, napapadagdag
ang bagong graduates.
ANO
BA TONG DRAYBER NA TO! Lahat na lang isinakay,
bulong nung aleng katabi ko, sisimba pa yata
sa Quiapo kaya nagmamadali.
Natural,
sabi ko sa sarili ko. Arimuhanan din yon. Bakit naman tatanggihan
ng drayber ang)pasahero? P4.00 rin yon kung malapit, e kung malayo?
Ma,
bayad. Banawe lang.
Yung babae,
sumakay pa. Sto. Domingo na to. Isang kanto na lang, Banawe
na. Pwede nang lakarin yon. Pero
kahit naman sa Quiapo pa sya pupunta, ganon din yon. Bababa at
bababa rin. Wala
naman talagang tumatagal sa dyip. Sasakay. Bababa. Hindi pa nag-iinit
ang upuan, paalis na.
Ganyan yung
mga naging pasahero ko. Ilang araw kong kukulitin para magbigay
ng statement. Headline yun kung akong makakakuha ng balita. Susuyuin
ko, bobolahin. Tapos non, e di tapos na. Matapos kong i-fax yung
balita, wala na. Kinakalimutan ko na sila. O para naman mas magandang
pakinggan, nakakalimutan ko na sila.
Ang dami
pa kasing ibang balitang dapat pansinin. Sabi nga, dapat daw yung
sinusulat mo, bibigyan mo rin ng panahong huminga. Huwag mo munang
likutin, hayaan mong iba muna ang magpyesta, yung mambabasa. Pero
babalikan mo rin naman sila, kung may mga pagbabagong nangyari,
balita yon e.
Hindi ko
naman sila pwedeng alalahaning lahat. Trabaho lang, walang personalan.
Kapag tapos na ang trabaho ko e di tapos na.
Sundan sa
ika-3 pahina
|