|
Bato,
Bagot, Bato
ni Buguy
Tak,
tik, tak Naging
musika ang patak ng relo.
Libang
nga sa pagkamanhid ng utak…
Patang-pata
sa pagkatupi nito,
wari’y gripong piga na sa pagpatak.
Tahimik,
ngunit umaalingawngaw
ang sigaw sa karimlan ng isipan.
Turete sa hintay niyang pagpanaw-
oras na nahimlay sa kawalan.
Marahang
halikan ang labi ng kopa,
Nang mawaglit itong kabagutan.
Yakapin, sandaling pagkabalisa.
Maihalal ka lang sa ‘king isipan.
--------------
Si Bugoy ay tubong Pampanga. Nasa ikatlong taon siya sa AB Psychology
sa University of the Assumption.
|