TULA
Demolisyon

PAGITANG PERPETWAL sa papag at kumot
Ang bawat magdamag ng di pagkatulog,
Sa tuwing gambala ng gabi ang lungkot
At ang ating puso'y kaybagal ng tibok.

Kung ako'y mawala't di mo na makita,
Sa iyo na lamang ang lumang kurtina,
Ang kalang de gaas, at ang saranggolang
Bumagsak sa bubong bilang alaala.

Sa iyo na lamang ang pulot kong gulong
Pati na ang aking nasalvage na motor.
At kung ang karimla'y lamunin ng apoy
Ako'y wag hayaang sa limot mabaon.

Kung magkagayon ma't ito na ang huli,
Sa pangungulila'y wag kang maimbi
Pagkat di hiwalay ang araw sa gabi
At ang kululuwa'y di nagsisindi.

---------------

Karapatang-ari © 2001-2004 Tinig.com
at ng mga may-akda
Reserbado lahat ang karapatan