LATHALAIN
Like Being Time-warped

(Rebyu ng album na 'Love in the Land of Rubber Shoes and Dirty Ice Cream' ng Oranges and Lemons)

THERE IS something infectious about new wave music, lalo na 'yung mga so-called post-punk/jazz styles that made bands such as The Railway Children or Lotus Eaters endearing sa mga 80s high school students, tulad ko, during that time.

Nakakabatbalani kung gayon na pakinggan ang bandang Oranges and Lemons and their album 'Love in the Land of Rubber Shoes and Dirty Ice Cream.' I'm not sure if galing sa isang album ng XTC galing ang name nila. What I'm sure of however is that listening to this CD is like being time-warped. And suddenly memories of playfully licking your girlfriend's ear sa isang madilim na sulok ng school quadrangle during JS Prom
habang ang lahat ay aligagang nagsasayaw sa tugtog ng 'Melt with You' come into mind.

Ganito ang hatid ng not-so-unfamiliar sounds ng grupong ito na, ayon sa isang article sa Inquirer nanabasa ko kamakailan, tubong-Bulacan. They sound so English you'd mistake them for 80s Britpop. Hanggang maririnig mong kumanta sila ng 'Kailangan Kita.' Only then will you realize na kaKurimaw pala sila.
At dahil kaKurimaw din pala sila, yung mga tema ng kanta nila strain to shores that are also not-so-unfamiliar. I mean, sino ba sa atin ang hindi pa na-in-love, nagka-'emotional-high' dahil in love?

Oranges and Lemons gives you that same emotional high. Sa gitna ng tila gamu-gamong biglang pagsulputan isang gabi ng sandamakmak na acoustic-this at akustik-that, matapos tayong matorete sa samu't saring indibidwal at bandang nagpapanggap na marunong silang tumiklado ng gitara, here comes a refreshingly light, playful, guitar-based music that finally gives justice to our ears. Ang pakikinig sa Oranges and Lemons ay parang pagtira ng shot ng Stolichnayang pinigaan ng sanghiwa ng kahel. Nakakalasing pero masarap ang tama.

Kung may kanta that would definitively describe the whole album, it would have to be the first song aptly
titled 'A Beginning of Something Wonderful. Kasi the more you listen to it (which I did one day in the
office kasi kabibili ko lang nuong CD the night before), 'the more it feels like this could be the beginning of something wonderful.'

'Dahil sa isang gabing kapiling ka
Ako ngayo'y naiinip sa 'ting muling pagkikita.'

- Oranges and Lemons, mula sa kantang 'Isang Gabi'

---------------
Si Oliver ay lister ng Kilometer64, isang online na samahan ng mga kabataang makata.

Karapatang-ari © 2001-2004 Tinig.com
at ng mga may-akda
Reserbado lahat ang karapatan