Tubig, langis, kuryente, sahod.
Ay, anong bigat na pasakit!
Nagkulang na kaming lahat sa tulog.
Ginawa pang alipin ng kaibigan mong matalik.
Iniinda ang kirot, masunod ang reynang bubuyog.
Nagkandarapa sa dagat ng putik,
Aray! Puno ang kalamnan ng bugbog.
Kabit ka ng puti, tagaahit ng bulbol,
Alam talaga ang mithi: sinasamba, kanilang titik.
Gago, ulol, sinungaling, tarantado!
Luku-lukong tao, panginoon ng gipit!
Oratoryo mo'y salapi ng banyagang bastardo.
Ruleta ng pandaraya: kayamanan ng sabik.
Ina ng mga dilubyo, 'utol ng impakto.
Arinolang marumi't mabaho ang ginto mong trono.