Gusto kong ika'y katulad ng bituin,
nagniningning sa dilim ng gabi,
tumatanglaw sa naliligaw na puso.
Gusto kong ika'y katulad ng bituin,
nagliliyab kahit malayo;
sa ulilang diwa'y nagpapaalimpuyo.
Gusto kong ika'y katulad ng bituin,
naririyan, kahit ikinukubli ng itim na ulap
pagka ang gabi'y nagbabadya ng pag-ulan.
Gusto kong ika'y katulad ng bituin,
nakatingin sa akin, payapa.
Gusto kong ikaw
ay katulad ng bituin.
Gusto ko
Ikaw
katulad ng bituin.