TULA
Ang Higante, Jaime Augusto Zobel de Ayala

Nang ipagbuntis ng Nuestra Senyora ng Guadalupe ang mga naghaharing uri,
iniluwal kang may ginto sa iyong mga ngipin, Jaime Augusto Zobel de Ayala.
Sinulyapan ka ng mga anakpawis sa kabilang panig ng salamin ng EDSA Shrine
at nagsa-rosas ang butuhang mukha ng isang matanda sa pagkamangha.
Anong Adonis itong sumasamba kahilera ng mga langaw?
Anong David itong nililok sa mahinhing ilusyon ni Michaelangelo Buonarroti?
Pati ang kardinal ay nautal sa pag-usal ng kanyang misal.
Buhok na pilak, mga labing malalambot, mga kilay na maiitim at makakapal,
mga matang bilugan,
pingas ng ilong na kasintangos ng taluktok ng Mount Everest-
mamamawis ang mga palad at singit ng sinumang umabot sa kanyang kamay.
Isang diyos!
Isang diyos na baligho!
Sapagkat nang isang attendant ng Makati Medical Hospital ang sumitsit
sa mga asong editor ng mga magasin at tabloid,
isang Richard Gomez ang nilanggas sa kanyang mga sugat sa puwet.
Nagtipar daw ang mga barkada ni Don Jaime sa kanyang kastilyo
at nang lukuban ng espiritu ng kung ilang demonyo
isa-isang tumira sa tumbong ng inupahang noo'y primera klaseng callboy,
sino pa nga ba Jonathan ni David na iyong iniyakan?
Nang dumipa ang Hesukristo sa Mount Corcovado
kumaripas ng takbo ang prinsipe patungo sa Rio de Janeiro.
Hyacinthus ni Apollo,
ang higanteng ito'y ilan nang manggagawa ang inagawan ng kabayaran
sa lakas paggawa,
ang diyos na ito'y ilan nang magsasaka ang inagawan ng binubungkal
na lupa?
Sa loob ng kanyang bulsa, nagpapahinga ang kanyang isang kamay
at isang daliri ang nanginginig at nakatalikwas.
Ipinopronta sa mga anakpawis na umaaso sa galit ang dugo
ang kanyang mga personal na guwardiyang makikisig at matitipuno.
Bubulagin ka ng ningning ng mga anghel,
magkubli ka, San Miguel,
upang di ka matupok!
Pabulang di malirip-lirip itong kuwento ng mga bampira-
abot-kamay ng mga namumunini ang mga busabos
pagkat abut-abot ang kanilang biyaya sa mga ulila,
sa mga di marunong magbasa't magsulat,
sa mga walang laman ang tiyan kundi asido ng kahirapan.
Konting de-lata at bigas,
mga lumang libro,
mga grants sa tinutuklas na mga kabataang may talino…
Tama nga naman, kumpadre. Mabuti pang hawakan sa leeg
bilang segunda-klaseng manggagawa't propesyunal
ang mga kabataan, mabuti pang iluklok sa makinarya
ng mga Ayala, bago pa maging higante't makabangga
sa kumpitensiya.
Tinatabas ng naghaharing uri ang mga sagabal.
At ang mga don at donyang may ginto sa kanilang mga ngipin
(ilang milyong Pilipino ba ang hinihindot ng mga Ayala, Ka Satur?)
ay mananatili sa kanilang puwesto sa Konseho ng mga Diyos.
May limampung pamilya lamang ang nagpapasasa
sa lakas ng anakpawis,
ilitaw ang mga anak sa labas nina Padre Gomez,
Burgos at Zamora! Ang mga Rizal at Bonifacio!
Bumaba ang mga tulisan mula sa bundok,
agawin ang armas at kapangyarihan sa mga hindot!

---------------
Si Mark ay vice president for Luzon ng College Editors Guild of the Philippines. Nagturo sa grade school, nakapaglabas na ng mga kuwento at tula sa iba't ibang pahayagan, at nag-eeksperimento ngayon sa modernismong porma ng pagtula ang manunulat na ito na gumagaod sa mga kamay ni Vincent Van Gogh.

Karapatang-ari © 2001-2003 Tinig.com
at ng mga may-akda
Reserbado lahat ang karapatan