Kung kailan pa naging halos kasinliwanag
ng Mars ang buwan, saka pa
naisip ng mga ulap na magtalik
at manganak ng maiitim
at makakapal na ulap.
Kaya ang dapat sa Mars na sulyap,
ninanakaw ng mga ulap.
At ngayong gabi, ang tanging makikita
ay mga lumang- at bagong-
buong ulap na matigatig
ang pagkakadikit sa mukha ng langit.
At hindi man lamang nila magawang
pahintulutan ang Mars na makasingit
at magkaroon ng kaunting silid
sa himpapawid sa tuwing ako ay sisilip.