Ang hanay ng mga magsasaka sa pangunguna ng Katipunan ng mga Samahang
Magbubukid sa Timog Katagalugan ( KASAMA TK ) ay patuloy ang pagkokondena
sa pagpasok ng agrikultura sa GATT-WTO .
Ang industriya ng palay ay patuloy sa pagkapako nito sa napakababang
presyo na nagbubunga ng lugmok nitong kalagayan bunga ng pagpasok
ng Pilipinas sa GATT-WTO (General Agreement on Tariffs and Trade-World
Trade Organization) sa hanay ng pagliliberalisa ng agrikultura.
Ang patuloy na pag-aangkat ng bigas sa ibang bansa na nagbubunga
ng malawakang pagbagsak ng halaga nito na kung tutuusin ay kayang
kayang suplayan ng mga magsasaka ng bigas ang buong bansa at nagkakaroon
pa ng mga surplus.Hindi pinapansin ng ating pamahalaan ang pgbagsak
ng industriya ng palay samantalang ito ang nagpapasok ng malaking
porsyento ng kabuuang kita ng ating bansa.
Pagpapataas ng presyo ng palay ang tanging kahilingan ng mga magsasaka
ngunit bala at militarisasyon ang tugon ng ating pamahalaan. Patuloy
ang malawakang operasyong militar sa kanayunan. Marami ng paglabag
sa karapatang pantao ang naitala. Halos lahat ay nasa hanay ng mga
magsasaka. Umaabot na 38 batalyong panagupang militar, pulis at para-militar
ang nakatalaga sa Timog katagalugan. Napakarami ng pinaslang na umabot
na 72 sa buong Timog Katagalugan at 32 dito ay sa Mindoro Orriental
ayon sa tala ng KARAPATAN-ST. Tampok dito ang pagkamatay ni Eduardo
Gumano, tagpangulo ng KASAMA TK ng 204th brigade sa ilalim ng pamumuno
ni Col. Jovito Palparan.