TULA
Nag-villanelle Ako Dahil sa Peer Pressure

DNag-villanelle ako dahil sa peer pressure—
di maitatanggi ang katotohanang
sa isang makata, ito'y isang treasure.

Akala ko noon, pagtula'y pure leisure
ngunit pagkatapos ng mga paliha'y
nag-villanelle ako dahil sa peer pressure.

Ayon sa katoto, wala ka raw future
kung di alam ang past, yun yung tradisyunal—
sa isang makata, ito'y isang treasure.

Sabi ng prof, "bago ako naging mature
at nagka-Palanca, dapat n'yong malamang
nag-villanelle ako dahil sa peer pressure."

Mababa ka pa raw sa phlegm o horse manure
kung di mo nga kaya ni tugmang isahan—
sa isang makata, ito'y isang treasure.

At dahil ayokong maging isang failure
mga taludtod ko'y naimpluwens'yahan—
nag-villanelle ako dahil sa peer pressure;
sa isang makata, ito'y isang treasure.

---------------

Karapatang-ari © 2001-2003 Tinig.com
at ng mga may-akda
Reserbado lahat ang karapatan