DIsa kang mangingisda.
Pumapalaot sa paggising ng diwa.
Habang ang iba'y ninanais lamang ang managinip.
Sagwan nang sagwan.
Wala mang kasiguraduhan kung saan dadalhin ng habagat.
Saan ihahampas ng alon.
At sa iyong pagdaong,
minsa'y nakakalambat ng ilang bandehera.
Minsan nama'y wala ni isa.