Walang laman ang kuweba
nang dumating sila. Kaba
ang nanuot sa kanilang laman:
ano ang nangyari sa katawan?
Ito na kaya ang misteryo
ng naiwang mga aninong
iginapos ng dantaon,
hanggang ibunyag sa Tbon:
ang bungo't kalansay ay buntis
sa espiritung nanlalamig.
---------------
Minsan nang naka-99 si Egay sa videoke, salamat sa 'Halaga' ng Parokya.
Hindi siya nakatulog nang gabing iyon, gaya ng mga gabing makilala
niya ang bawat kaibigan.