Pinilas na papel na nagsisimula nang maging kulay dilaw
ang tinalikurang pangarap.
Hindi maisip kung bakit sa ilang paulit-ulit
na sinulatan ng 'ito ay magiging akin,'
Hinahayaan nang mabasa ng ulan,
paluhain ang tinta.
Bakit sa pagkahaba-habang pakikibaka,
tinupi-tupi na ito upang maging laruang bangka,
ipinaagos sa estero ng kawalang pag-asa?