MGA LIHAM SA PATNUGUTAN


Kung mayroon kayong puna, mungkahi, o reaksyon--kahit mayroon lang kayong nais batiin, maari kayong lumiham sa patnugutan ng Tinig.com. Ipadala lamang ang inyong e-mail sa pamamagitan ng aming feedback form.

Pahayag ng Magdalo
Maari po bang magtanong? Saan po ba makakahanap ng kopya ng talumpati ng magdalo group?

hehehe

hehehe, may kopya ng pahayag ng so-called Magdalo Group ang Tinig.com sa iyung ito.
--Ederic

***

Globe writes Tinig.com

I'd like to find a way to get in touch with the columnist "Ice Cream" as I would like to help make our service better for him/her and other customers.

Hope we could receive feedback via my e-mail address above. I can also be reached via my cellphone no. 09175xxxxxx.

Thanks.

Justine Camacho

Justine, thank you for showing concern for your loyal customers. Tinig.com is glad to help you. We're still trying to get in touch with "Ice Cream." --Ederic

***

Natulungan ng Tinig.com

i really like this site!! personally, natulungan nyo ko.......... thank you talaga sa inyo........

sana meron din kayo ng tungkol sa mga broken families..... god bless........

arabellah

Arabellah, natutuwa kaming malaman na nakakatulong kami sa inyo. Abangan mo pa ang mga susunod na isyu.--Ederic

***

Nagbibigay ng Kasagutan

Magandang Araw, una po ang inyong site ay mahusay dahil sa taglay na dami ng impormasyon. Salamat at nabibigyan niyo ng kasagutan ang maraming katanungan tungkol sa ating mga Pilipino at iba pang mga detalye. Maaari niyo rin pong lagyan ito ng search engine. Keep up the good work. God bless sa inyong lahat.

joemar

Magandang gabi, Joemar! Ako si Alex, isa sa mga patnugot ng Tinig.com. Salamat at nagugustuhan mo ang mga nilalaman ng Tinig.com. Kung meron kang naitatagong mga artikulo, sanaysay, tula o kuwento, puwede mo ring iambag ang mga ito gamit ang ating contribute form, na may link sa ating home page. Kahit na anong paksang tungkol sa buhay nating kabataan o kapupulutan natin ng mga aral na mahahalaga sa atin--pulitika man o lipunan, buhay-iskuwela o buhay-pamilya, at mga katulad na paksa. Salamat uli at sana'y hindi ka magsawa! --Alex

***

---------------

 

Karapatang-ari © 2001-2003 Tinig.com
at ng mga may-akda
Reserbado lahat ang karapatan