Lagi'y dadapo ang titig
sa larawan mong pantal sa diwa.
Sabunot ng unos-ulirat
sa gabi't pag-iisa
hayon ka sa malayo.
Balinsasayaw,
pag-awit mo'y habilin ng paglaban
pag-ikot mo'y hulagpos sa tanikala
pagmamahal m'y pananalig
sa bukang-liwayway.
---------------
Nagtapos ng Chemical Engineering sa Saint Louis University sa Baguio
City. Naging miyembro ng GAT (Galian sa Arte at Tula). Bago tumulak
ng Canada ay aktibo sa tugtugan kasama ang grupo niyang Bagong Dugo.
Bukod sa pagiging musikero, sumusulat ng tula, kwento at lumilikha
ng awit. Kung saan man siya makarating lagi't laging Pilipinas pa
rin ang bayang kanyang babalikan.