TULA
Signal #1

Ambon sa unang patak ang
sensilyong ibinusal sa gutom
na cash register upang
magluwa nang walang sawa sa
nakatanghod na plastic bag...
____Papel
____bolpen
____notbuk
____bag
____libro
____uniform
nagmistulang piyesta sa
Divisoria, Parti sa mga Mols,
Tiangge sa simbahan ng Baclaran
____medyas, 3 for 100,
____face powder, made in China
____Relo, Jolex yan!
____"Ale, Ale bili ka ng panti?"
Biglang dating ng MMDA,
takbuhan dito, takbuhan doon,
hilong-talilong ang nanay—
nawawala ang wallet niyang makulay!

---------------
Si Earl Vincent ay isang mag-aaral ng DLSU-Dasmariñas.

Karapatang-ari © 2001-2003 Tinig.com
at ng mga may-akda
Reserbado lahat ang karapatan