INABOT NG bagyo, terror scare, pag-aalsa ng Magdaloat pati
na rin ng pagwawakas ng Meteor Gardenang isyung ito ng Tinig.com.
Nahuli pa ang labas dahil sa ating kakuwanan.
Sa isyung ito, tinititigan ng Tinig ang nagpapatuloy na drama ng
ating pambansang buhay na umabot sa kasukdulan noong Hulyo 27 sa Makati.
Inilalatag namin sa inyo ang iba't ibang kuru-kuro hinggil sa naganap
na pag-aalsa ng mga kabataang sundalo, na bagamat hindi nagtagumpaykung
iyan ba'y maganda o malungkot na resulta ay di natin matitiyakay
nagawa namang muling palutangin sa ating kolektibong kamalayan ang
pagkasuklam sa katiwalian sa pamahalaan. Huli natin iyang sama-samang
naramdaman noong People Power 2. Ngayon, matapos ang nakasanayan nang
tawaging "kudeta," kapuna-punang sa bawat umpukanaktuwal
man o cyberay pinag-uusapan ang pag-aalsa at ang kasalukuyang
kalagayan ng ating bayan.
Nakikiisa rin ang Tinig.com sa makabuluhang krusada ng mga makabayang
pinuno ng pamahalaan at iba pang sektor ng lipunan upang ipagtanggol
ang ating kasarinlan at isulong ang ekonomiyang
makabayan.
May mga sagot din tayo sa sana'y pinakahuli nang State of the Nation
Address ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
At bagamat halos hindi kilala ng ating henerasyon si Bishop
Antonio Y. Fortich, isang magiting na alagad ng Diyos at lingkod
ng tao, nais nating lumahok sa pagpaparangal at pag-alaala sa kanya
at sa kanyang mga ginawa bilang tagapagtanggol ng karapatang pantao
at tagapagtaguyod ng katarungang panlipunan.
Gaya nang dati, narito pa rin ang mga pananaw, piling tula, at maikling
kuwento mula sa mahuhusay na kabataang aktibista, makata, at manunulat.
Umulan man o bumagyo, patakasin man nila ang mga terorista, may SONA
man o kudeta, naririto pa rin ang ating Tinig.

EDERIC P. EDER
Patnugot
---------------