"ACEL, PARTNER, sori malele8 me ng slightly. trafik! -rina"
Napangiwi nalang ako nung nabasa ko 'yung text no'ng classmate ko.
Si Rina. Pinaka-popular kong classmate sa History Class.
"K. blsan mo lng," Ni-reply ko. Asar na ako.
Sampung minuto rin akong naghintay sa coffee shop. Sa dinami-dami
ba naman namin sa classroom ay hindi ko talaga maisip kung bakit si
Rina pa ang naka-partner ko. Asiwa kasi ako sa babaeng 'yun. Una,
nakakailang talaga s'yang magsalita. Napaka-fluent n'ya kasi mag-Taglish.
Pangalawa, maganda nga si Rina, kaso ginagamit n'ya 'yung kagandahan
nya sa pagkuha ng loob ng ibang tao-lalo na ng profs namin. Di ba,
sino ba naman ang hindi maaasiwa no'ng ganun?
At ngayon, kelangan ko pa s'yang kilalanin at alamin ang history
n'ya alang-alang sa project at para makapasa ako. Ala get-to-know-each-other-portion.
Projects talaga ang pinakanakakatakot na panakot!
"Oi, Acel, sorry ah, it's so traffic kasi, eh. And our driver is
so kaskasero pa. That's why I think my hair is so magulo na. Is it?
Is it magulo na?"
Nagulat ako nung biglang pasok n'ya. Patay, sabi ko sa sarili ko.
Sinasapian na talaga s'ya ng espirito ni Kris Aquino.
"Okay lang naman 'yung buhok mo. Umpisa na tayo? Para makauwi na
'ko," banat ko kaagad. Gusto ko na talagang umuwi no'n. Gusto ko nang
lumayo sa kanya.
"Ok. Who will start? Ikaw muna ang mag-ask sa akin ng questions
o I muna will tanong?"
"Sige ako na lang muna ang mag-a-ask ng questions to you. So that
we will be masaya." I was trying to be sarcastic.
Nagsimula na 'kong magtanong. Wala na 'kong matanong no'n masyado
kasi wala nang pumapasok sa isip ko. Nauna na yatang umuwi 'yung utak
ko. Nagtaka na 'yung kausap ko. Tinanung n'ya kung why ba my questions
are too maiikli at too konti. Why don't I tanong her more questions
daw. Sabi ko magkwento na lang sya. I-narrate n'ya 'yung buhay n'ya.
E, self obsessed ata yung taong 'yun kaya tuwang tuwa s'yang nagsimula,
tawa nang tawa. Kung mukha lang syang adik, mapagkakamalan ko talaga
s'yang gumagamit. "Know mo ba, Acel. I hate my life." Nag-umpisa na
sya. Naging seryoso ang atmosphere. Nagkaroon ako ng interes sa usapan.
"Bakit naman?"
"'Coz it just simply sucks."
"Ano namang panget sa buhay mo? It seems so perfect!" parang gusto
ko nang sagutin 'yung tanong in her behalf "I mean, you're beautiful,
you have a lot of friends, a lot of guys like you; the teachers like
you; you're a cheerleader; all of your clothes are branded; nice hair.
You're popular! What else can you ask for?"
"At least, 'yung buhay na totoo. 'Yung walang pretension. Do you
think I will still have the same number of friends even after my popularity
disappears? Do you think those boys like me because of who I really
am without looking at my face? Gusto ko 'yung permanent. Yung pang-habambuhay.
Let's face it, there's nothing permanent in this life. Lahat ng 'to
mawawala."
Astig, marunong pala syang magsalita nang diretso! Anyway, naantig
'yung puso ko no'n. " Sabagay," 'yun nalang ang nasabi ko sa kanya.
Nagulat ako. S'ya 'yung least expected person na kilala ko na banas
na sa buhay."
"Besides, life's more than that,"dinugtong nya.
"Alam ko," sinagot ko.
"Alam mo, 'Cel, ingit ako sa 'yo minsan. Kasi kakaiba ka, eh. Nai-express
mo 'yung nasa loob mo. Alam ko namang asiwa ka sa 'kin. 'Yung highschool
pa lang tayo."
"Ha? Ano ba'ng pinagsasasabi mo 'dyan, hi-hi-hin-di-di a-a-ako naaasiwa-a
sa 'yo, ah!"
"Asus, admit it. Kahit na ganito ako, malakas ang radar ko. As I
was saying, kasi, ako, lahat ng galaw ko, tinitingnan ng ibang tao,"
lalo pa nya akong binara.
"Hindi mo masasabi 'yun," sinubukan ko rin s'yang gantihan ng bara.
"S'yempre, kaya ko. Malakas nga ang radar ko di ba? Hindi na lang
ako nagre-react. Meron ngang mga taong lahat ng sinasabi ko, binibigyan
ng puna."
"E, why not change? Wala naman sigurong masama if you try to be
yourself."
"Yan nga 'yung new year's resolution ko next year."
Noon ko lang s'ya nakitang tumawa nang ganoon. Para bang tinanggalan
sya ng karapatang tumawa sa buong buhay n'ya.
Simula noon, nag-iba 'yung pananaw ko sa buhay; nag-iba 'yung tingin
ko kay Rina. Noon ko lang na-realize na hindi ko dapat s'ya hinuhusgahan
nang ganun-ganun na lang. Noon ko lang na realize na may sense din
s'yang kausap. Noon ko lang nakita 'yung tunay na Rina.
Tumunog yung cell nya. tapos nagpaalam sya. sa susunod na lang daw
n'ya 'ko iinterbyuhin. Tapos sinabi n'ya na kung puwede raw walang
lalabas sa usapan namin. E, timang din pala 'tong taong 'to. Interview
'to. Mabo-broadcast din 'to, sa ayaw nya't gusto, nasabi ko sa sarili
ko. Tapos bigla akong nasuntok ng katotohanan. PAK! Hindi na pala
part ng project 'yung pag-uusap namin 'yun. May tawag do'n e-girl
talk.
Pinagmasdan ko s'yang umalis. Bigla akong natuwa sa kanya. Popular
nga s'ya, pero hindi sapat na dahilan 'yon para masabi ko na perpekto
ang buhay n'ya. kasi, kahit kelan, walang ganoon.