Bertdey mo.
Mag-aawitan ang
kapwa mo preso.
Hihipan mo ang
pinag-ambag-ambagang
keyk ng mga
nag-bi-bidyil na kasama,
at mag-wi-wish.
sana sa paglaya ko,
hindi lang dito,
hindi lang ako.
Gusto ko kasama
ko ang mga
dahilan kung bakit ako
napunta dito.
---------------
Tulad ni Lualhati, naniniwala rin si Rustum na 'di lahat ng dinarakip
ay mga kriminal.