INVISIBLE AKO n'ong high school student pa ako. Palibhasa, isa lang
ako sa 200+ na estudyanteng lalaki sa isang exclusive school for boys.
Catholic institution. Meaning, iba ang paraan ng pagpapalaki sa amin,
sari-saring seremonya at aralin ang isinusuksok sa utak namin na noon,
di ko alam kung makakatulong sa future. Hanggang ngayon, six years
after, hindi ko pa rin alam. Malabo kasi eh.
Bago gumradweyt y'ong batch namin, inutusan kami ng Spiritual Director
ng school namin na magsulat ng tinatawag namin na PPOL (Personal Plan
of Life). Isa itong collection ng mga iba-ibang bullshit sa buhay
namin sa panahong 'yon at mga expected bullshits in the future.
Kung hindi ako nagkakamali, ang first part ng PPOL ay tungkol sa
sarili. Ito y'ong tinatawag na 'I' chapter. Nag-observe kami kung
sino ba talaga kami. Mahirap. Sa edad na 15-16 mahirap kilatisin kung
sino ka ba talaga.
Sumunod na chapter y'ong 'ID.' Freudian concept 'ata 'yon. Kung hindi
ako nagkakamali, y'ong second chapter is about negative things about
oneself. Liabilities ng tao. Yata.
'Tapos, sumunod y'ong chapter 'IDE' na tungkol yata sa positive things
or assets.
Pagkatapos y'ong 'IDEA' chapter. Obviously, tungkol ito sa mga napaka-puerile
na tingin namin sa mundo at that time.
Susunod na y'ong 'IDEAL' chapter na tungkol sa mga ideology at mga
ideal goal na ise-set namin for the future and beyond.
Hanep, 'no? Sabi ni Spiritual Director, mai-impress daw ang mga girlfriend
namin sakaling mabasa y'ong sinulat namin. 'Wow! ang boyfriend ko,
may plano sa buhay!'
Pasensya na, Father, 'alang effect sa 'kin, e.
Bakit kaya? Sa tingin ko kasi, di ko kilala'ng sarili ko noon. I
find it absurd that this project was forced unto us in our tender
age. Hindi feasible y'ong project. Naalala ko kasi, sinulat ko doon
na gusto kong maging engineer or pari. Parang nagkaroon ako ng two
paths diverged in a road (ala Robert Frost poem). Then I chose the
road less traveled, and it has made all the difference. Pero actually
totoo 'yon. Nangyari nga 'yon sa akin. Kung hindi ako pumasok ng seminaryo,
kakaiba siguro ang buhay ko ngayon. Mas boring.
Pero siguro, tama rin ang sinasabi sa Matrix Reloaded. Cause and
effect. What happened was what really should happen and it wouldn't
happen in a different way. Scratch out the what ifs; there are no
accidents. Everything is part of a greater plan. God's plan?
Parang ayaw ko ring paniwalaan 'yon. Pareho kami ni Neo Anderson,
hindi ko matanggap y'ong idea na hindi ako ang nagko-control ng buhay
ko. That's fucking tragic. Kapag nalaman mong isang puppet ka lang,
'tapos may puppeteer (parang concept ng Diyos in a very negative context),
which reminds me, gano'n nga sa Matrix.
Noong natanggal na ang pagkatali nila sa Matrix (puppeteer/God-figure),
doon lang sila naging malaya. Or are they really?
Noong nasa high school ako, pinapangarap ko na sana, nasa college
na ako. Ayokong balikan ang high school. Pero necessary evil, e. Kung
puwede lang makapag-college nang hindi nagha-high school, gagawin
ko 'yon. Ang daming waste of time ang nagugugol sa high school. Minsan
nga, parang kalokohan lang, e: mga teacher na hindi marunong magturo,
mga batchmate na utak-bayag, at repressed institution na nagtuturo
sa 'yo kung papaano mabuhay.
Di ko pa rin ikakaila na may mga masasaya ring alaala sa high school.
At minsan, ito na lang ang mga natatandaan ko para gumanda ang memories
ko about it.
Siguro, isang metaphor ang pagtatawag ng high school sa high school.
Isa itong institusyon sa edukasyon ng tao na nakaka-high. Parang drugs
or alcohol. Nakaka-high pero bullshit lang naman ang after effect.
Tuwing binabalik-balikan ko, nakaka-high nga naman ang ganitong mga
eksena.
Eksena 1:
Mayroon kaming ka-batch na bading sa high school. Itago natin s'ya
sa pangalang Burak. Tinawag s'yang Burak kasi kulay burak daw ang
kili-kili nya sabi ng mga kaklase n'ya. Actually may kamag-anak itong
artistang bading din sa isang sikat na sit-com sa TV na hanggang ngayon
ay ipinapalabas pa rin. Anyway, itong si Burak kasi mahilig magpolbo
ng mukha tuwing pagkatapos ng lunchbreak.
Minsan lumabas s'ya ng lunchbreak. Sa school kasi namin pwede na
kumain ng lunch sa loob ng classroom at pwede rin sa canteen. Siguro
kumain si Burak sa canteen at that time, or nag-volleyball sila ng
mga co-amiga n'ya. Si Burak kasi ay galing sa section na kung saan
pinagsama ang top 15 at bottom 15 students (based sa general average
noong nakalipas na taon).
Nagkataon na siguro na maraming gago sa classroom noong umalis si
Burak. Kaya itong mga gagong kaklase n'ya ay kinalikot ang bag ni
Burak. Tinapon ang laman ng polbo n'ya. Pumunta sila sa blackboard
at inipon ang chalk dust at inilagay sa lalagyan ng polbo ni Burak.
Kaya walang kamalay-malay si Burak sa ginawa ng mga tarantado n'yang
kaklase. Humahagikgik ang buong klase noong nagpopolbo na s'ya. Siguro,
napakanatural na sa kanya na inaapi-api s'ya ng mga kaklase n'ya kaya
tahimik s'yang nagmura at nagpaganda. Makalipas ang ilang araw, nagpi-peel
off na ang mukha ni Burak.
Eksena 2:
Itago na lang natin s'ya sa pangalang Rambo, Ate Charo. Talagang
masaya ang high school kasi halos lahat ng tao ay may nickname. At
minsan sobrang napaka-interesting kung bakit sila napalayawan nang
ganoon. Noong first year, high school kami, hindi ko kaklase itong
si Rambo.
Mga isang subject bago ang lunchbreak, pinagpapawisan na nang malapot
itong si Rambo. Nahihilo na rin malamang. Hindi ko alam kung ano ang
subject nila noon, kung nahihirapan ba s'yang umintindi o kaya, naiinitan
lang kaya gano'n. Siguro, may test sila kaya di s'ya makalabas ng
classroom kung masama man ang pakiramdam n'ya. Walang pumapansin kay
Rambo noong panahon na 'yon.
May umutot sa klase kaya nabulabog ang klase. Nagsigawan sila ng
"Putang ina! Sino 'yon?!" "Ang baho! Bastos naman n'on!"
Tahimik lang si Rambo nang mga panahong iyon. Hindi dahil pinilit
n'ya na tumahimik pero dahil parang autistic s'ya noong panahong iyon.
Kinuha nga ang panyo n'ya at pinunasan ang malagkit na pawis. Pagkatapos
noon, parang tumitirik ang mga mata n'ya. Pinagpapawisan pa rin nang
malapot. Walang kamalay-malay n'yang kinuha ang panyo n'ya at itinali
sa bandang tuhod n'ya. Sobrang higpit. Pagka-ring ng bell, mabilis
s'yang tumakbo papalabas. At may nakapansin. Bakit parang may tumutulo
sa pantalon n'ya?
Natae pala si Rambo. Kaya pala nag-ala-Rambo s'ya, kaso hindi ulo
ang tinalian ng panyo kundi legs, para di malaglag ang sumabog na
basang ebak. Pero actually, nakakaawa itong si Rambo kasi hanggang
spiritual retreat namin noong high school kami, iniyakan nya kami,
"Please, 'wag n'yo na akong tuksuhing Tae."
Eksena 3:
Same scenario: noong high school retreat namin noong fourth year
na kami. Nasa Baguio kami noon. Sharing time. Ito y'ong usually panahon
na nagkukulong sa isang maliit na air conditioned room ang isang batch
at nagsasabihan ng problema sa buhay. Usually, marami sa mga high
school students ang nag-iiyakan sa ganitong situation. Kahit na exclusive
school for boys kami, mayroon ding ganitong mabababaw ang luha. Pero
minsan, hindi talaga nakakaiyak ang mga inaamin ng mga students. Katulad
n'ong kuwento ni Rambo. Nakakatawa s'ya na nakakaiyak din (at least
on his part).
Meron pa akong kaklase na umiyak dahil sawang-sawa na raw s'ya sa
pagbibigay ng papel tuwing may exams. Iyak nya, "Hindi naman
ako paper factory, a... huhuhu."
At ang pinakapanalo sa lahat ng nag-share noong retreat namin ay
si Buntok. Seryoso n'yang sinimulan ang mga "confession"
n'ya, kung bakit s'ya minsan mayabang at masyadong rude sa klase.
Malaki kasing tao 'to kaya may karapatan s'yang mam-bully ng mga tao.
Sa hulihan ng confession n'ya, napakaseryoso n'yang sinabi, "Kaya
ako ganito kasi... nalulungkot ako... gusto ko na kasing... kumantot."
Nagtawanan ang buong klase. Panalo. Pero s'yempre, nagalit si Spiritual
Director na sinermunan kami about pre-marital sex at masturbation
na malaki raw kasalanan sa Diyos. Nag-grudge yung katabi ko noon sa
reflection room, "Palibhasa kasi di ka makakakantot." Buti
na lang, mukhang ako lang nakarinig noon.
Eksena 4 (life):
Alam ko na ang pakiramdam ni Ate Shawee noong kinanta nya yung 'High
school life, oh my high school life...' Naaalala ko pa sina:
PUTOT: Putol ang daliri nitong kaibigan kong ito. 9 1/2 fingers lang
kumbaga. Also named as bitin, yakuza (tipong nahiwa nya daw accidentally
y'ong 1/2 finger nya)
BABA at SITNUB: Kaklase kong direct descendant ni Babalu (sumalangit
nawa) at y'ong seatmate n'yang sobrang laki ng tiyan at mukhang nagla-lactate
na ang dibdib.
JAVA: Ang taong mukhang taga sinaunang panahon. Also called taong
bato.
NINOY: Presidente ng klase namin na mukhang limangdaan piso. Tsismis:
Kinurakot n'ya daw y'ong class funds namin.
AURA BOYS: Mga napaagang magbinatilyo sa amin na tipong nanliligaw
na ng mga babae at umiiyak na rin kasi, naba-basted sila. Artista
na y'ong isa sa kanila. Asawa ng isang dating taga-That's Entertainment.
SELTTIKS: Mga kabarkada kong nerds. Wala nang inatupag kundi mag-aral
at maglaro ng trivia games o volleyball pag free time.
MR. LEADERSHIP: Nakakuha ng mas maraming awards pa kaysa sa valedictorian
at salutatorian namin. Naging housemate ko pa ito. Kamukha at kasing-appeal
nya raw si Rico Yan (sumalangit nawa uli).
MS. T: Teacher ko sa El Fili. Wala pang asawa. Kamukha ni Cory Aquino
at mahilig din sa dilaw. Mahilig sa expression na "No?"
Binibilang namin noon kung ilang beses n'ya nabanggit ang "No?"
sa isang 40-minute class. Lampas 100 times!
MR. BART: Teacher namin sa physics. Bisaya. Or bicolano. Kakaaliw
'to kasi, sabi n'ya, minsan, posible daw na mahinto ng isang lamok
ang isang tren kung sobrang mabilis ang speed ng lamok. Eh?
MR. GATSBY: Adviser ko na sobrang pinagkaitan ng looks. In fairness,
mabait s'ya. At magaling sa drafting.
FR. PRINCIPAL: Sobrang bokya sa English. Minsan, sabi niya noong
magdi-dismissal na, "Please stand for the flag down." Ano
raw?
FR. PSYCHO: Sa araw-araw na umaga na ginawa ng Diyos, sinermunan
n'ya ang buong student body tungkol sa masturbation. "Masturbation
is a sin!" Kawawa naman ang mga walang kamuwang-muwang na elementary
student.
FR. RECTOR: Ang pari na mukhang driver. Mas bagay sa kanya'ng maging
security guard. May dambuhala s'yang aso at collection ng mga baril.
MR. BASE: Teacher namin sa computer na lumalabas ang bulbol nya sa
dibdib. Sobrang malalim ang boses at iniikot-ikot ang malaki nyang
tiyan nya tuwing nagtuturo. Parang naghu-hula-hoops na Bondying.
MS. STERNUM: Teacher namin sa Biology na laging naka-chest out na
sinuspinde kasi inireklamo namin na wala kaming natututunan sa kanya.
Pumirma halos lahat ng mga students n'ya. Tsk tsk. Pa'no ba naman
kasi, tuwing tinatamad s'yang magturo, nag-iinarte na hinihika daw
s'ya at sinasabi, "Break muna... (hingal, hingal)... break...."
Sabay matutulog sa teacher's table.
MRS. T: Na pinagpapantasyahan halos naming lahat kasi, maganda s'ya
talaga kahit kalbo ang asawa n'ya. Sa ibang anggulo, kahawig n'ya
si Charlene Gonzales o Dina Bonnevie. Kaya siguro palagi s'yang nabubuntis.
Noong minsang nag-e-exams kami, napabuntung-hininga s'ya, "Ang
sakit ng ulo ko, parang binibiyak." Bulong naman ng nasa likod
ng upuan ko, "Ang sakit ng biyak ko, parang inuulo."
Class dismissed. Hayyy, salamat.
Ganito siguro ang pakiramdam ni Neo noong na-unplug na s'ya sa Matrix.
Parang sober.
---------------