1. Balita sa Umaga (Early Magazine Show)
MASAYANG UMAGA, Pilipinas!
Sa ulo ng ating mga balita, isang barko ang sumabog.
Tsk, tsk, tsk. Ang aga-aga e puro pagsabog kaagad. Kasalanan na
naman ng pamahalaan yan sigurado.
Ayon sa mga ulat, isang technical failure ang nagdulot ng pagsabog
sa nabanggit na cruise ship. Naganap ang aksidente sa isang daungan
sa may Australia. Karamihan sa on-board staff ay nagtamo ng third
degree burns.
Hmm
E kung ako ang tatanungin, kasalanan ng management yan.
Aba, kung hindi sila tatanga-tanga e di sana'y naiwasan ang problemang
ganyan. Puro pangungurakot kasi ang alam e.
Ang ilan daw sa mga staff ng barko ay mga Pilipino.
Aba, mga kababayan pa natin ang nabiktima. E yan naman ang problema
e, kapag Pilipino na ang nabibiktima wala nang pakialam. Palibhasa,
mga foreigner ang may-hawak. E puro bobo naman lahat ang mga yan at
umaasa naman sa ating mga Pilipino. Lintek na mga letseng yan. Sino
ngayon ang sasagot sa mga gastos sa ospital? Sino ang dapat managot
sa mga pangyayaring ito? Lintek talaga. Ke aga-aga, umiinit ang ulo
ko.
Ayon pa sa report, humarap na sa media ang management ng cruise
ship na ito upang magbigay ng official statement tungkol sa pangyayari
kasama na ang paghingi ng public apology sa mga naapektuhan sa insidenteng
ito, at nabigyan na rin nila ng kaukulang financial assistance ang
lahat ng biktima at ang mga kamag-anak nito.
Hmm
Magbabalik po kami pagkatapos ng ilang patalastas.
2. Balita sa Hapon (Evening News)
Magandang Gabi, Pilipinas.
Para naman sa mga balita sa ibayong dagat, isang grupo ng mga kababaihan
ang naghubad sa isang siyudad sa Australia. Ang grupo, na binubuo
ng halos dalawang daang miyembro ay nagtanggal ng kanilang mga damit
bilang protesta sa nalalapit na giyerang ilulunsad ng Estados Unidos
sa Iraq. Ayon sa isang kasapi ng organisasyon, ang pagtawag ng atensyon
sa media sa pamamagitan ng kanilang malulusog na dibdib at makikinis
at matatambok na puwitan ay isang pagpapakita ng kanilang matinding
pagnanasang mapigilan ang digmaang malapit nang sumabog.
Aba, e kung ganyan ba palagi ang mga rali e palagi na akong sasali.
3. Balita sa Gabi (Late Night Documentaries)
Ito ang misyon ko para sa gabing ito:
Isang nakaaalarmang e-mail na naman ang natanggap ng aming team.
Ayon sa aming secret source, pugad ng mga callboy ang tapat ng isang
sikat na unibersidad sa may Taft Avenue sa Maynila. Mga estudyante
raw ng unibersidad na pinagrarampahan nila ang pagpapakilala ng mga
binatang ito.
Agad-agad na ipinadala ng aming team ang aming deep penetration
agents na sina Agent Habagat at Agent Amihan para sa isang deep penetration.
Narito ang ilang eksena mula sa kanilang operasyon:
Patuloy ang pag-iimbestiga ng aming deep penetration agents sa kahabaan
ng J. Nakpil Street at sa paghinto-hinto nila'y nakaengkuwentro nila
ang iba't ibang mga binatang nag-aalok ng panandaliang aliw sa halagang
limang daan hanggang tatlong daan. Napansin naming habang lumalapit
ang umaga'y nagiging mas mura ang mga callboy.
Bilang tugon sa laganap na prostitusyon sa may sikat na unibersidad,
nagsagawa ng isang raid ang aming team kasama ang PNP. Sa operasyong
isinagawa, nakahuli ng tatlong callboy ang mga pulis. Agad silang
ipinadala sa pinakamalapit na presinto.
Sa wakas, sa tulong namin at ng PNP, masusugpo na ang prostitusyon
at muli na namang mapipigil ang walang tigil na supsupan, tirahan,
bonkangan, at hadahan sa bahaging ito ng Maynila.
Lingid sa kaalaman ng aming deep penetration agents, tinigasan ako
habang hinahatid sa inyo ang ulat na ito.
31 Mayo 2003, 1:52 ng umaga