v32
Hulyo 1 - 15, 2003
Home
About Us
Archive
Links
Feedback
Contribute
Forums
Guestbook

BAYANI
Panata ng Mamamahayag

Ako, si ___________________, ay sumusumpang gagampanan ang aking mga tungkulin bilang mamamahayag sa panahon ng ligalig at hikahos, sa panahon ng opresyon at agresyon.

Magsisilbing gabay ang naging buhay ni Dekano Armando J. Malay, magiging inspirasyon ang kanyang mga naging sakripisyo, at isinusumpa kong isusulong ang kanyang pakikibaka para sa panlipunang pagbabago.

Patuloy kong isusulat ang pambansang kalagayan, at susuriin ko ang lipunan batay sa kasaysayan ng kasalukuyan at kahihinatnan ng nakararaming mahihirap.

Katulad ni Kasamang Armando Malay, lalabanan ko ang anumang panunupil sa karapatang pantao at kalayaan sa pamamahayag.

Sisikapin kong magpakahusay sa aking piniling propesyon sa pamamagitan ng obhetibong pagsusulat at pakikiisa sa pagkilos para sa isang magandang bukas.

Ang lahat ng ito ay isinusumpa ko sa okasyon ng pagyao ng isang kasama sa pakikibaka, isang institusyon sa pamamahayag at isang tunay na Pilipino!

---------------
Binigkas ng mga mamamahayag sa parangal kay Dean Malay noong ika-18 ng Mayo, 2003 sa UP Diliman.

Karapatang-ari © 2003 Tinig.com
at ng mga may-akda
Reserbado lahat ang karapatan