v31
Mayo 1 - 15, 2003
Home
About Us
Archive
Links
Feedback
Contribute
Forums
Guestbook

Nale-Lesbo Yata Ako sa 'Yo

'DI KO maintindihan kung bakit after all these years, lagi akong naguguluhan kapag ikaw ang napapag-usapan.

Di ko maintindihan ang emotional attachment ko sa iyo. Sa iyo lang ako nakakaramdam ng sobrang tuwa at depression. Di naman ako ganito sa mga iba kong kaibigan, mapa-college man o high school. Basta kapag magkasama tayo, tuwang-tuwa ako. Pag sinabi mo namang di mo ako makaka-usap dahil busy ka (kuno) sobra naman ang depression ko.

Natandaan mo ba nung minsan nag-party ka tapos halos di mo 'ko pansinin? You were too busy sa pag-aasikaso sa mga dorky mong college friends samantalang ako, nasa labas ng bahay ninyo at nagmukhang tanga. Napansin ko pang super sweet ka sa mga college friends mo samantalang ako nga, na kaibigan mo since 11 years old e 'di mo man lang maakbayan. Umuwi ako nun feeling very, very upset. Noon ko rin lang na-realize after 10 years na although best friend kita, hindi ako ang best friend mo.

Noong nasa UP pa ako, minsan pinagawa kami ng essay tungkol sa taong may pinaka-malaking influence sa buhay namin. Ikaw ang isinulat ko. At totoo 'yun. Ikaw ang nag-influence sa akin sa maraming bagay. Hindi ang mga magulang ko, ibang kaibigan o kahit pa ang pinakamagagaling kong teacher at professor. Ikaw. Dahil sa 'yo, nahilig ako sa pelikula, music, pag-babasa, at sa pagsusulat. Dahil sa yo, sinubukan kong magsulat ng poetry. Natandaan mo ba nung bata pa tayo pinakita ko sa yo ang poem ko at sinabi mong parang pang-Hallmark siya? Although nasaktan ako sa sinabi mo (dahil madali akong masaktan pag ikaw ang concerned) pinagpatuloy ko pa rin ang pagsusulat dahil gusto kong maging tulad mo.

Sa lahat ng girlfriends ko, sa yo lang ako nakakaramdam ng libog. Dati pag nag-uusap tayo sa classroom, di ko mapigilan ang tumingin sa mga labi mo. Ok lang sana kung hanggang doon lang pero nung college ako, I sometimes catch myself having sexual fantasies of you.

And I tell you, I never had any sexual fantasies involving any girl aside from you. Well, there was this girl na nakasabay ko sa ikot minsan, pero it was a different story altogether. I mean, her boobs were really big! E ikaw, di ka naman sexy, pero trip na trip kitang dalin sa kama.

Ngayon, nagulo na naman ang mundo ko dahil sa yo. Ba't di mo sa akin sinabi agad na may boyfriend ka na?! Dammit, we're supposed to be friends, you know! I deserve the right to know! Nagmukha tuloy akong ewan noong sinabi mo sa amin yun. Nakanganga ako, pwede nang pasukan ng langaw ang bibig ko. Di ko alam kung dahil ba sa naiinggit ako (dahil gwapo at mayaman ang bf mo samantalang tricycle driver lang ang nagkakagusto sa akin) o dahil dumagdag na naman ang kahati ko sa atensyon mo. Tapos minsan na nga lang tayo magkita parang ilang ka pa sa akin. Well, in fairness, naiilang din ako sa iyo noon. Kung napansin mo, di ako makatingin sa ng tuwid sa mata mo. Iba ka na kasi e, at disappointed ako sa pagbabago mo. Pero nararamdaman ko rin na kahit ikaw, di mo na rin gusto ang mga pagbabago sa sarili ko.

Pangatlo ko nang essay ito tungkol sa iyo. Minsan, nakakasawa na ring magsulat tungkol sa iyo. Pag ikaw kasi ang topic ko, 'di ko maayos ang thoughts ko. Di ko ma-outline. Pero nakakasawa ka na. Ayoko na. I'm giving up on you. Bahala ka na sa buhay mo. Makipag-landian ka sa BF mo, have fun habang I'm trying to build a lousy career for myself. 'Pag nabuntis ka, huwag kang magkakamaling lumapit sa akin. Suko na ako sa yo.

Leche ka. Nale-lesbo na ata ako sa 'yo.

---------------
Si R ay isang graduate ng Broadcast Communication sa UP Diliman. Kasalukuyan siyang nagtratrabaho bilang marketing assistant. Paborito niyang programa ang "The Buzz."

Karapatang-ari © 2003 Tinig.com
at ng mga may-akda
Reserbado lahat ang karapatan