The Hunger Site
Isyu 3.0
Hunyo 10, 2001
 

Home
This Issue
Tinig 101
Staff
Links
Downloads
Feedback
Contribute
Guestbook

 

 


 

 

 


MULA SA PATNUGOT:
Youth Power, Hindi Power Bill

Youth power, hindi Power Bill ang dapat sanang umiral sa panahong ito.

Pero ang nangyari, isinaksak ng administrasyon ni Ate Glo sa baga natin ang Power Reform Bill. Nagmamadaling inaprubahan ito ng mga alipores niya sa House of Representatives at sa Senado.

Ano ba talaga itong Power Bill at bakit ito tinututulan ng marami?

Sasagutin iyan ng special feature natin ngayon isyung ito tungkol sa power bill. Sa pahintulot ni Ms Chit Estella, editor-in-chief ng Pinoy Times, ay inilalathala natin ang "Power Bill: Power Para sa nasa Kapangyarihan?" ni Marie Stella De La Cruz na naunang lumabas sa Pinoy Times Special Edition.

Makatutulong din sa pag-unawa sa isyung ito ang pahayag ng Akbayan, "Compromise Bill Compromises National Interest"--dito'y naghahain sila ng alternatibo. May mga puna naman si Rep. Bobby Tañada sa "The Electricity Industry Reform Act Bicam Report: Some Comments." Ayon naman sa Bayan Muna, dapat ibasura ang Power Bill: "Bayan Muna: Junk This Shotgun Piece of Legislation!"

Kasabay ng pagputok ng isyu ng Power Bill ay ang mga usapin naman ng katatapos lamang na eleksyon at ng pagbubukas ng klase. Basahin ang kolum ni Mong Palatino tungkol dito sa "Mas Palpak ang CHED Kaysa Comelec."

Matapos ang eleksyon, nagpapasalamat naman si Mareng Winnie sa lahat ng tumulong sa kanyang kampanya. Basahin ang liham niya sa kanyang mga kaibigan sa "Thank-You Letter from Winnie Monsod."

Samantala, sina Tina Briones at Angela ay nagsesenti naman sa kanilang mga artikulong "What It Feels Like to Know a Friend and Love Him" at "Ang Aking Mundo."

Maaliw naman kayo sa kwento ni Jun Lisondra tungkol kay Kulay sa "Si Kulay sa Pusod ng mga Itim na Daluyong ng EDSA People Power IV" at maiinlab kayo sa "Sana at Wag Sana," isang tula ni James Nicolay.

Sa gitna ng mga sari-saring usapin, patuloy ang Tinig.com na nagsusulong ng youth power. Sinisikap nating sa ating maliit na paraan ay maging daan upang makapagpahayag ang mga kabataan.

Sabagay, tila nagpapakita ng pagkagiliw sa kabataan si Ate Glo. Para sa atin ang mga ipinangangako niyang pagbabago na ayon sa kanya'y isusulong ng kanyang administrasyon.

Pero dapat tayong magmatyag at magkaingay lalo sa mga sitwasyong gaya ng sa pagpapasa ng Power Bill. Baka kasi sa halip na youth power ang mangyari, e power trip ang kalabasan, gaya ng nangyari sa nakalipas na administrasyon.

High na high sa kanyang power trip laban sa media, laban sa mga Muslim at laban sa sambayanan si Erap nang sumabog ang People Power 2. Buti na lang at nagwagi ang katarungan at katotohanan. Sa pangyayaring iyon, hindi maitatanggi ang umiral na youth power.

Palakasin pa natin ang power na ito.

 

Hanggang sa muli,

Ederic Eder
Tinig.com


Copyright © 2001 Tinig.com
All rights reserved.


MULA SA PATNUGOT:
Youth Power, Hindi Power Bill

IN THIS ISSUE:

Mas Palpak ang CHED Kaysa Comelec
Ni Mong Palatino

What It Feels Like to Know a Friend and Love Him
By Tina Briones

Ang Aking Mundo
Ni Angela

MAIKLING KWENTO
Si Kulay sa Pusod ng mga Itim na Daluyong ng EDSA People Power IV
Ni Jun Lisondra

TULA
Sana at Wag Sana
Ni James Nicolay

SPECIAL FEATURE ON THE POWER BILL
Power Bill: Power para sa nasa Kapangyarihan?
Marie Stella De La Cruz, Pinoy Times

Compromise Bill Compromises National Interest
By Akbayan

Bayan Muna: Junk this Shotgun Piece of Legislation!

The Electricity Industry Reform Act Bicam Report: Some Comments
By Rep. Wigberto E. Tañada

LETTER
Thank-You letter from Winnie Monsod