Ang Aking Mundo
Ni Angela
Sa gulang kong
ito, maaaring masabing marami na akong nagawa sa buhay. May mga karangalan
akong natanggap dahil sa mga ginagawa ko, tulad ng pagsali sa mga
contest sa paaralan. Kasama na rito ang pagsusulat ko sa mga Web site
at diyaryo. Marami na rin akong nakilala at naging kaibigang nakasama
sa kasiyahan at kalungkutan.
Matalino raw ako.
Maraming humahanga sa akin. Halos perpekto ang tingin nila sa akin.
Pero hindi ako
naniniwala sa kanila. Isa lang akong pangkaraniwang tao. Plain. Walang
kagana-gana at kakulay-kulay ang buhay.
Sabi ng nanay
ko, hindi raw natutuwa ang pamilya niya kapag nakakakuha ako ng karangalan
sa paaralan. Kesyo sampo lang daw kami sa isang klase kaya ako naging
first, ganito, ganyan. Naniwala ako. Palibhasa kasi hindi naman ako
ganoon kalapit sa pamilya ng nanay ko. Akala ko natutuwa sila para
sa akin. Hindi pala.
Lumaki akong hindi
masyadong nagagabayan pagdating sa pag-aaral. Kapag may mga PTA meeting,
minsan katulong na lang ang pumupunta -- minsan pa nga wala. Hindi
maiwasang mainggit ako sa mga kakalase ko na naaasisikaso ng mga magulang
nila. Ang nanay ko kasi, nagtatrabaho na, pagdating sa bahay ay magluluto
pa. Pagod na raw siya sa trabaho at wala siyang oras para pumunta
sa mga ganoong okasyon. Walang oras o ayaw niya lang talaga?
Matagal din bago
ako nasundan. Naaalala ko pa noong minsang recognition day at first
honors ako. Hindi nakarating ang nanay ko. Nasaktan ako noon, pero
hinayaan ko na lang dahil kapapanganak lang niya. Tutal, noon lang
naman siya absent. Pero umiyak ako nang gabing yon.
Natapos ko ang
elementarya pero ako tinuruan ng nanay ko sa mga lesson. Siyempre,
pagod siya. Malaki na raw ako at kailangan pa niyang asikasuhin ang
kapatid ko. Muli ay inintindi ko siya.
High school. Inilipat
ako ng nanay ko sa isang mas malaking private school. Nasanay na akong
tumayo sa sarili kong paa. Teenager na ako. Dapat matuto na ako.
Wala namang hassle
ang unang taon ko sa sekondarya. Akala ko ay magiging maayos na ang
lahat. Hindi pala. Second year ako nang unang beses na mawala sa top
ten. Nagalit ang nanay ko. Banned ako sa Internet. Alam kong mali
ako kaya nakinig ako sa kanya. Nakabalik naman ako sa top 10.
Noong nagkaroon
ako ng boyfriend na taga-La Salle, inilihim ko sa kanya kasi hindi
naman siya makikinig sa akin. Pero nahuli ako, muntik pa akong palayasin.
May kaibigan ang
nanay ko sa States. Pinag-email niya kami. Nang magbiro ako sa kaibigan
niya, hindi niya nagustuhan, nagalit sa akin. Mabait daw yung kaibigan
niya, bakit ko raw biniro. Pero sino ba nauna? Yung kaibigan niya--tinawag
akong Oink Oink. Ang biro ko? Natakot ang pinsan ko sa picture niya.
Sundan
sa ikalawang pahina.