v29-30
Marso 16 - April 15, 2003
Home
About Us
Archive
Links
Feedback
Contribute
Forums
Guestbook

TULA
Laruang Sundalo

Harap sa kanan, harap sa kaliwa,
walang tigil sa pagmamartsa.
Inutusang sumama sa hanay,
sumaludo sa may katungkulan.
Pilit niyang itago ang manika,
mabilis binura kulerete sa mukha,
nagkunwaring kaya buhatin ang riple
ayaw mapahiya sa ibang kadete..
Ang matinis na boses ay nag-iba
kasi hindi papayagang makapagpahinga
ang hindi isang ganap na lalake.

---------------

Karapatang-ari © 2003 Tinig.com
at ng mga may-akda
Reserbado lahat ang karapatan