v29-30
Marso 16 - April 15, 2003
Home
About Us
Archive
Links
Feedback
Contribute
Forums
Guestbook

TULA
Pasyon ni Bulan

Mariing atas ng araw
Sa buwan: dapat ipinid
Ang mata, 'wag magpabalong
Ng liwanag, 'wag magluwal,
Talukap ipambilibid

Sa mga tinging mapusyaw.
'Pagkat umaga'y daigdig
Ng haring sa ginto'y gumon.
Bab'la ng araw: balaraw
Ang titig, nakapupunit.

Ngunit 'sang umaga, buwan
Ay dumilat, pumurikit.
Kamay ng araw, kumuyom,
Leeg ng buwan, sinakal.
Sumigaw nang alumpihit:

Pula na naman ang buwan,
Duguang mata sa langit.
Galos na ayaw maghilom,
Sugat na di mapatahan,
Hiwang hindi masinulid.

---------------

Karapatang-ari © 2003 Tinig.com
at ng mga may-akda
Reserbado lahat ang karapatan