Taga-UP ba si Darna?
Seryosong tanong 'yan. Hindi ako nagbibiro. Mula kasi nang mabasa
ko ang unang isyu ng bagong Mars
Ravelo's Darna komiks, 'di na ako mapakali. Gusto kong malaman
talaga kung taga-UP si Darna (o si Narda). Ilang araw ko nang kinulit
ang mga paborito kong tao kung ano ang opinyon nila sa usaping na
ito. Sari-sari ang reaction nila. May deadma, may natatawa, may nagugulat,
at may nagtatanong kung seryoso ba raw ako.
"Ha? Tigilan mo na nga 'yang jute-jutes mo!" ang hirit sa akin ng
sikat na sikat BIR/TIN boy na si Mechajol
nang i-text ko sa kanya ang tanong ko. Pero nang ma-realize niyang
seryoso ako, nag-serious mode na rin ang boyfriend ni Kikai:
"Taga-UP si Darna kasi may sense of responsibility siyang tumulong
sa kapwa."
Si Bosing Mimi naman, na isa
sa mga una kong natanong, ay nagsabing hindi raw siguro. Eh bakit
kako? Ang sagot niya'y hindi naman daw nag-aaral si Darna. Sa mga
napanood daw niyang Darna movies, hindi naman pumapasok sa school
si Narda.
Pati sa MRT ay hindi ako mapakali. May nakasakay akong maiingay na
mga estudyante na halatang taga-UP. Nang 'di na ako makatiis, kahit
'di ko pa kilala’y tinanong ko si Leo, na taga-MassComm
pala. Gaya ni Mimi, sabi niya’y hindi raw taga-UP si Darna dahil hindi
naman nag-aaral ang ating bida.
Hindi rin daw taga-UP si Darna dahil may ka lumulunok siya ng bato—Hehe,
medyo may katangahan ba?—ito, sabi ng friend ni DJ ng UP
Manila at Youth for Nationalism and Democracy. Pero sabi ni DJ,
"Sa tingin ko, pwede siyang taga-UP kasi iskolar ng bayan nga, [ang
motto ay] serve the masses."
Ayon sa bagong Mars Ravelo's
Darna komiks, si Narda ngayo'y isa nang maalindog at matalinong
dalaga—at iskolar sa lungsod.
"Maalindog at matalino ba 'ika mo? Aba'y taga UP yan... Maaalindog
at matatalino ang mga dilag sa UP no? Nakita mo na ba ang muses sa
may FC? Sample pa lang yon ha..." hirit naman ni Abel, kaibigan ko
sa UP Journ Club.
Isang alumna naman ng JournClub, si Ma'am Cookie ng Union
of Catholic Asian News, ang naniniwala ring taga-UP si Darna kasi
raw "medyo weird siya tulad mo."
Ang hirit naman ni Handyfemme
nang siya ang tanungin ko: "Siguro. hehehe! Ako yun, LOL. Hindi. Baka..."
At idinagdag pa niyang hindi raw ba ako naniwalang fictional character
lang si Darna. Pero sa laki raw ba ng UP, malamang aniya ay narito
si Darna o kaya ay nakapunta na rito. Sabi sa komiks, si Narda ay
lumaki isang rural na lugar sa timog ng Kalunsuran. Si Handyfemme,
isang incoming UP freshie, ay taga-Cavite. Ang Cavite ay nasa timog
ng Kamaynilaan. Hmm, hindi kaya?
Kumbinsido rin si Tram21
ng UPLB na taga-UP si Darna:
"Sa palagay ko oo. Matalino na kamo siya e. Alangan namang sa La
Salle... Hehehehehe peace! no offense meant.”
Pati na rin ang kilalang comic writer na si Budjette
Tan ay tila kumbinsidong taga-UP nga si Darna: "Well, considering
she came from the province and didn't really have a well-off family,
it's possible that she got into UP on a scholarship. :) Or maybe she
tried out Ateneo and didn't like
it. He he he "
Sabi naman ng kasamahan kong patnugot sa Tinig.com,
si Ka Martin,
taga-UP ang gusto niyang gumanap na Darna, Michelle Aldana—isa sa
iilang mga magagaling at matatalinong artista ng pelikulang Pilipino.
Siyempre, sa mga tinanong ko, mayroon ding deadma, mga hindi sigurado,
at isang hindi kilala si Darna. Si Sir Dario, na kasamahan ko sa Kyodo
News ay ayaw sumagot at sa halip ay itinanong kung ako raw ba
si Darna Bwahaha!
Nang tanungin ko ang sikat na netizen ng Cotabato, si Abdul
Aziz—Abs for short—ay simple lang ang sagot niya: "Hindi ko alam."
Ang sagot naman ng friend kong si Bing, taga-IT
Update: "Ha? Bakit? I have no idea." Pero mas malala si Arnold
na taga-Hawaii—hindi niya kilala si Darna, hehehe.
"Tungkol ba ito sa bagong Darna ngayon? Siguro," ang naman ni sagot
ni the great Noel P, na
kasama kong nagtayo ng Tinig.com. "Siguro," rin ang sabi ni James,
isa sa pinakamagagaling na contributor namin, sabay tanong kung bakit
ko raw naitanong yun. Si katotong Chinito
ay naniniwala ring taga-UP si Darna kasi “sa UP ka lang makakahanap
ng ganun kaganda at kaseksing babae na patriotic at nationalistic.
Hehehe.”
”Yes, taga-UP siya,” ang sagot naman ni Pon.
“…Of course, national superheroes should naturally be in UP.”
Sa palagay ni Myla, ang maganda at maprinsipyong deskperson na Kapuso
sa GMA-7, taga-UP si Darna "kasi mahilig
tayong mga taga-UP sa baliktaran: Parang Darna-Narda at Ikot-Toki,
hehe. Tayo lang nakakaisip nun." Oo nga, ano?
Samantala, ang kaibigan ni Vlad, kapatnugot ko rin sa Tinig.com,
ay "oo" ang sagot sa katanungan, "kasi nakidnap siya sa campus, e
sa UP lang nangyayari 'yun." (Medyo coño nga lang raw si Narda, kasi
taga-Ateneo ang bagong gumawa sa kanya.)
Kinumpirma naman ng kaibigan kong si Alfred ng CyberDyaryo,
na taga-UP nga si Darna: "Taga-Pook Dagohoy nga 'yun, e. Sikreto lang
'yun, ha?" Pero dahil sinabi ko na sa inyo, hindi na sikreto.
Ikaw, naniniwala ka bang taga-UP si Darna? Bakit o bakit hindi?
---------------
http://www.peyups.com/article.khtml?sid=2100&mode=nested&order=1&thold=0
ang orihinal na URL ng artikulong ito.