ANG PAGHAHANAP at pagkakaron ng kaibigan ay parang proseso ng pagtatae.
Madali para sa iba pero mahirap para sa nakararami. Minsan namamahay
ang pwet mo pero minsan ready ka na kahit saan. Tapos, pag tumatae
ka na, aba! May sorpresa pa pala! May panahon na parang ang lumalabas
sa iyo, lahat na yata ng laman ng kaloob-looban mo. Minsan ang lumalabas
yung mga maliliit lang, pero sangkatutak naman! Minsan, ang nilalabas
mo yung isang mahaaaaabang tae. Na sa sobrang haba, hindi mo alam
kung papaano ito mafuflush lahat sa isang iglapan.
Minsan naman parang kumain ka ng champorado at yung ang nilabas mo.
Minsan katamtamang dami lamang ang lumalabas, yung mas malaki sa maliliit
pero mas maliit sa mga malalaki. At di hamak na mas maikli dun sa
mahaba! Madalas din, magugulat ka na lang, akala mo ang dami mo nang
nilabas pag tiningnan mo, ngek! Utot lang pala ang lumabas!
At ang pinakakainis ay pag akala mo tapos ka na, na-flush mo na ang
toilet, nasuot mo na ang salawal mo at ang damit mo, may biglang hahabol
pa na minsan lalabas pero kadalasan, wala pa rin. At meron din yung
nailabas mo na lahat ng mailalabas mo, kahit na gaano kakaunti o karami,
tapos ayaw ma-flush. Pero pag natapos ka na, ika'y mapapabuntung-hininga
at sasabihing, "Haay, success!"
Pag natapos nang tumae, may iba't ibang gawain para alisin ang natitira
pang dumi sa pwet. May iba, binubuhusan ito ng tubig tsaka pupunusan,
gamit ang kamay. Yung iba, ginagamit ang tissue na pamunas at itatapon
sa basurahan. Kung sosyal ka naman, ang gagamitin mo "bidet."
Marahil tinatanong mo kung ano ang kinalaman ng pagtatae sa paghahanap
ng kaibigan. Marami.
Sa lahat ng ating tahakin at puntahan sa buhay, marami tayong nakakaengkwentro
at nakikilalang mga tao. May iba na kahit saan sila magpunta, mayroong
nakikilalang bagong tao. May iba naman na parang pihikang namimili
pa kung saan siya makikipagkilala. Minsan, nakakakilala tayo ng maraming
mga tao at nagiging mga mabuting kaibigan sila. Minsan naman, unti
nga lang ang nakikilala natin, mga isa o dalawa, pero sila'y mga "lifetime
friends." Pwede rin marami tayong makilala pero mga "acquaintance"
lang pala sila.
Minsan, akala mo marami ka nang mga bagong kaibigan, yun pala "one-time
affair" lang, pagkatapos wala na. Di na kayo nagpapansinan. Minsan
naman sa sobrang dami ng nakilala mo, hindi mo na alam kung sinu-sino.
Meron din yung mga taong nakikipagplastikan ka lang o kaya'y dikit
ng dikit sa iyo, ayaw umalis kahit pinapakita mo na na ayaw mo sa
kanya. Iba iba rin ang mga paraan natin para alagaan ang mga naging
kaibigan natin. Minsan, alagang-alaga tayo. Binibigay natin ang lahat
at marami pa! Minsan naman, kebs lang. Kuripot ka pagdating sa kanila.
Minsan naman, alaga mo sila pero may hangganan. Sa bawat pangyayaring
tahakin natin sa buhay, maaaring tayo'y kinakabahan, nag-aalala, hindi
alam kung ano ang mangyayari o kaya'y "excited."
Ngunit marami sa nakikilala natin nagiging parte ng buhay natin at
naapektuhan ito. Sa Ingles, "every thing we encounter contributes
to the shaping of our selves." Hindi nga sila nagiging permanenteng
kaibigan at permanenteng nandiyan, pero andyan pa rin sila dahil naging
parte pa rin sila ng buhay mo. At sa bandang huli, nagiging "success"
ang pagtahak na ito.
---------------