v27-28
Pebrero 15-Marso 15, 2003
Home
About Us
Archive
Links
Feedback
Contribute
Forums
Guestbook

TULA
At Inanay ang Pag-ibig

Umupo kami sa pandalawahang upuan
Magkatabing nagsisiksikan, nagbibiruan
Tigas ng kahoy ma'y nadarama sa puwitan
Magkahawak-kamay kaming walang pakialam

Bigla-bigla'y umatake ang salot na anay
Kinain ang dati-rati'y upuang matibay
Hanggang sa siya na lang ang puwedeng umupo
At ako'y sa sahig na lamang nakatalungko

---------------
Unang gantimpala, LOVE OUT LOUD, isang poetry reading contest na bahagi ng Bukambibig sa UP (proyekto ng National Commission for Culture and the Arts at ng UP Writers Club), 21 Pebrero 2003.

Karapatang-ari © 2003 Tinig.com
at ng mga may-akda
Reserbado lahat ang karapatan