v27-28
Pebrero 15-Marso 15, 2003
Home
About Us
Archive
Links
Feedback
Contribute
Forums
Guestbook

TULA
Tatay

Kagabi, salubong-kilay mo akong tinitigan.
Muli mong pinaglimian kung luha ba o pawis
ang ikinakatas ng aking babasaging balat.

Tinanganan mo ang aking leeg.
Kinumbinsi mo ang sarili na masokista ako:
panighaw na nagpapasakal.

Matapos sairin, pinasirko sa hangin.
Binilang mo kung ilang beses akong umikot
bago tuluyang maging bubog sa sahig.

Paggising mo kinaumagahan,
bulsa ang iyong unang sinapo.
Nag-aalburoto ito tulad ng iyong sikmura,

Kunsumido kang nagpapapadyak.
Bumaon ang ilang piraso kong ngipin
sa iyong talampakan.

---------------
Si Mykel ay bokalista ng bandang "Petroleum Kelly." Dati siyang Kultura Editor ng Philippine Collegian. Mahilig siya sa Pusa.

Karapatang-ari © 2003 Tinig.com
at ng mga may-akda
Reserbado lahat ang karapatan