Pangako kang ang kamay na bakal
ay matutunaw,
kaya't marami ang sumabay
sa awit mo sa pagtatali
ng lasong dilaw
sa matandang punong roble.
Ngunit ang ipinalit mo
sa bakal na kamay
ay bakal na kamay rin,
kaya't kumaunti ang nakadilaw
at dumami
ang nakapula.
---------------
Si Alex, isinilang noong Agosto 1977, Kapatnugot ng Tinig.com, ay
manunulat sa Bulatlat.com at sa BNext. Sangkot siya sa mga kampanyang
panlipunan at pampulitika, sa lansangan man o sa Internet.