MAHAL NA Panginoon sa Langit,
Ako ay isang Pilipino. Karamihan sa aking mga kapatid na Pilipino
ay mahihirap. Mayroon silang mayamang lupaing binubuo ng pitong libong
isla. Yamang dagat, matabang lupa, ngunit nananatiling mahirap at
salat sa pagkakataong umunlad. Ang mga Pilipino ay may ginintuang
puso, maasikaso, at tapat. Palangiti at masayahin, habang nagsusumikap
na bumuti ang pang-araw-araw na pamumuhay. Sila ay nagpapatulo ng
pawis—tulad ng pagtulong ni Hesus ng Nazareth sa kanyang ama
sa pagpapanday.
Ngayon ay natitipon kami rito sa Plaza Miranda para sa isang Araw
ng Panalangin para sa Kapayapaan. Lahat na Pilipinong mananampalataya,
Kristiyano, Muslim, at Lumad upang humingi ng Inyong banal na pamamagitan.
Sa mga paghahanda para sa armada sa Gitnang Silangan—tila napipinto
ang digmaan. Ngunit ang panalangin at ang Iyong Banal na Pagtugon
ay maaaring magpalambot na puso, magbigay-liwanag sa isipan, at magbukas
ng daan tungo sa pagbabago. Tulungan at gabayan Nyo po kami. Patatagin
Nyo kami sa aming paghahanap ng katotohanan, hustisya at KAPAYAPAAN.
Mahal na Panginoon sa langit, tulungan Nyo kaming maiwasang dumanak
ang dugo, at bigyang liwanag ang isipan ng may mga hangaring gumawa
ng masama.
Winika ni dating pangulong Jimmy Carter na ang digmaan ay masama,
at bagama't binibigyang-katuwiran ng mga pasimuno, ito ay nananatiling
masama pa rin. Mahal na Panginoon, kami ay nananalangin na huwag Mong
ipahintulot na magkaroon ng digmaan.
Mayroon kaming humigit-kumlang na isang milyong Pilipinong manggagawa
sa Gitnang Silangan. nananalangin kami para sa kanilang kaligtasan
at seguridad para doon sa mga maaaring madamay kung sakaling may darating
na kaguluhan.
Tulungan Nyo kaming panatilihin ang kapayapaan, hindi lamang sa Gitnang
Silangan kundi pari na rin sa aming sariling bayan.
Siya nawa.
----------------
Sa siping ito nakabase ang pangalanging inusal ni Pangalawang Pangulong
Guingona noong January 31 sa "Stand for Peace" prayer rally
sa Plaxa Miranda.