SABI NG batang nagsasalita sa TV, milyun-milyong
Pilipino raw ang nagugutom, at kapag inipon mo raw ang mga tirang pagkaing
itinatapon mo sa loob ng isang taon, sapat na raw iyon upang pakainin
ang isang milyong mga Pilipino, mga Pilipinong walang pambili ng sariling
pagkain.
Dighay ang isinagot mo sa ikinukuwento ng bata. Di mo na pinansin
ang pagpapasalamat ng bata sa DECS at CHED, DOH, KBP at ng himpilang
nag-eere ng patalastas. Napakamot ka ng tiyan. Napakamot ka rin sa
ulo pagkatapos mong ibaba ang platito ng black forest, ubos na ang
kalahati. Naisip mo, sino ba namang tanga ang kakain ng cake na bukod
sa tatlong linggo nang nasa ref ay kinain pa ng kung sinong taong
hindi naman nila kilala? At sino ba ang magkakapanahong ipunin ang
lahat ng tirang pagkain ng Pilipinas? Baboy. Baboy lang ang makikinabang
kung saka-sakali sa pagkaing iyon. Natapos ang iyong pag-iisip sa
pagpindot sa iyong remote control. Naging asul ang screen. Video Mode,
sabi ng mga neon green na letra. Ngumiti ka bago magbuntung-hininga.
SNOW WHITE AND THE SEVEN BALLS. Lumang kopyang naiwan ng tatay mo
sa kasuluk-sulukan ng binubukbok na cabinet sa may bodega. Inaamag-amag
na pero nasolusyunan mo ng ilang ulit na pag-rewind at fast forward.
Pinindot mo ang power ng nakasaksak na VHS player. Masuwerte ka. Nasa
Dubai ang tatay mo, ang nanay mo naman ay bumisita sa tiya niya, namiyesta.
Ang dalawang kapatid, sinuguro mong natutulog na. Ikaw lang naman
talaga ang natitirang gising kapag ganitong oras. Masuwerte ka.
Unang eksena: si Snow White sa isang meat shop, nagtatanong sa tatlong
matadero kung saan makakabili ng mansanas. Biglang dinakma ng unang
matadero ang kanang suso ni Snow White. Natawa ka, nagulat pero natuwa.
Lumuhod ang isa pang matadero sa harap ni Snow White, inangat ang
palda. Walang panty si Snow White. Napangiti ka dahil nagsimula nang
tumunog ang rock song na hudyat ng pagsisimula ng tunay na aksyon.
Hinihimod ng mataderong nakaluhod ang kaselanan ni Snow White. Hinihigop
niya ito, kinakagat, dinadalirot. Ang mataderong nakadakma sa suso
ni Snow White ay nakasubsob na sa dibdib ng babae, sabay na naglalaro
ang dila at ang kanang kamay na nakasapo sa ari nito. Nakahawak ka
na rin pala sa iyong ari, hinihimas mo na rin pala ito. Ang pangatlong
matadero, nagsasalsal sa tabi ng patay na baboy, dahan-dahang inilalabas-pasok
ang daliri sa puwit ng patay na hayop. Nakakadiri, sabi mo sa sarili
mo, pero hindi nawala ang pagdaloy ng mainit na dugo sa iyong mga
kaugat-ugatan.
Hubo't hubad na ang apat na bida. Ikaw nama'y nakababa na ang short
at brief na suot, hanggang tuhod lang para madaling mahatak paitaas
kung sakaling may magising na kapatid. Nakaluhod ang dalawang matadero
sa tapat ng ulo at puwitan ng nakatuwad na Snow White. Malakas na
ungol ang sagot ng babae sa mga aring nakasuksok sa bibig at likuran
nito. Ang ikatlong matadero, nagsasalsal pa rin, tulad mo.
Pumikit ka sandali. Ninanamnam mo ang masarap na ungol. Naisip mo
si Criselda, ang kaklase mo sa PE noong first year college ka. Naisip
mo si Carla, ang girlfriend ng bestfriend mo. Naisip mo ang Tita Ellen
mo, at ang anak niyang si Ella. Pati nga ang kapatid niyang si Erol,
naisip mo, pero agad mo naman siyang inalis sa eksena. Baka isipin
pa niyang may gusto ka sa kanya. Ang propesor mo sa Math, o ang dating
katulong ninyo. Naisip mo sila, isa-isa, dalawahan, o sabay. Umuungol
sila. Sarap na sarap.
Napadilat ka sandali at nakita mo ang bigla-biglang pagpapatihaya
kay Snow White. Nahugot ang mga nakabaong ari. Maya-maya'y itinutok
sa may pusod ni Snow White ang isa at ang isang lalaki nama'y itinutok
ang puwit niya sa bibig ni Snow White. Sumirit ang ihi ng isang matadero,
tumama sa pusod, sa suso, sa hita, sa puke ni Snow White. Tae naman
ang inilabas ng isang matadero, eksakto sa bibig ni Snow White. Ang
ikatlong matadero, pagkakabig ng kamera sa kanya, ay nasa ibabaw na
ng mesang katayan at nagpaparaos na sa patay na baboy. Sarap na sarap
ang mga matadero. Sarap na sarap si Snow White. Hindi ka nakagalaw.
Sa loob ng maiksing-maiksing oras ay pumasok sa isip mo ang mga imahen
ng iyong kaklase sa PE, ang girlfriend ng bestfriend mo, ang Tita
Ellen mo, ang anak niyang si Ella, ang kapatid niyang si Erol, ang
propesor sa Math, ang dating katulong, isa-isa, dalawahan o sabay
na nagkakainan at nag-iinuman ng ihi at tae. Naglaway ka, parang gusto
mong maduwal. Kaya dali-dali mong hinagilap ang remote control, pinindot
ang unang channel na naabot ng hinlalaki mo.
Balik sa patalastas ng bata. Sabi niya, milyun-milyong Pilipino raw
ang nagugutom, at kapag inipon mo raw ang mga tirang pagkaing itinatapon
mo sa loob ng isang taon, sapat na raw iyon upang pakainin ang isang
milyong mga Pilipino, mga Pilipinong walang pambili ng sariling pagkain.
Matigas pa rin ang ari mo. Napabuntong-hininga ka. Nakaramdam ka
ng panghihinayang. Sayang naman kung palalambutin mo lang nang ganun-ganun
lang. Pinindot mo uli ang remote control, bumalik sina Snow White
at ang mga matadero. Sarap na sarap sila. Pumikit ka. Pakinggan mo
na lang yung ungol, yun ang sabi mo. Yung masarap na ungol. At kunwari,
yung mga kakilala mong tao yung umuungol. Pumikit ka na lang, yun
ang sabi mo sa sarili mo. Bumilis ang mga ungol, lumakas. Narinig
mong may sinasampal sa pelikula, pumikit ka na lang, yun ang sinabi
mo sa sarili mo. Bumilis nang bumilis, lumakas nang lumakas. May hinahampas
ng kung anong matigas na bagay, naririnig mo ang paghampas sa balat.
Pakinggan mo na lang yung ungol, yun ang sabi mo. Pakinggan mo na
lang yung ungol. Sarap na sarap ang mga matadero. Sarap na sarap si
Snow White.
Dalawang minutong paghabol ng hininga. Nasa isang kusina na sina
Snow White at ang tatlong matadero. Kumakain sila ng letsong baboy.
Kinuha ni Snow White ang mansanas na nakasaksak sa bunganga ng letson.
Close up sa mukha niyang kumakain ng mansanas. Three down, four to
go, sabi mo sa sarili mo. Nakaramdam ng gutom ang iyong sikmura. Pero
sawa ka na sa cake, nasusuya ka sa tamis. Hinagilap mo ang panyong
inihanda mo sa isang tabi, pinunasan ang dapat punasan, hinatak ang
nakababang short at brief pagkatapos ay kinuha ang platito ng black
forest at dumiretso sa kusina, naghahanap ng pagkaing tutugon sa iyong
gutom.
Habang abala ka sa pagkakalikot sa kusina, hindi mo napansing dahan-dahan
na ring kinakain ng VHS player ang inaamag mong pelikula.
---------------