v25
Enero 16-31, 2003
Home
About Us
Archive
Links
Feedback
Contribute
Forums
Guestbook

MAIKLING KUWENTO
W8

KANINA PA ako naghihintay. Late na naman si FiSH. Twenty minutes and counting.

Nakaporma ako ngayon. Suot ko 'yung shades na binili ko kahapon; mura lang naman ito kasi may 30% discount sa pinagbilhan ko. Bagay din naman sa'kin kasi kalbo na naman ako. Balbas-sarado rin. Hindi ko alam kung bakit parang ang lakas ng dating ng mga taong skin-head na nakasalamin o naka-shades. Parang ang swabe tignan. Yung mga palaging nagpapakalbo kasi, parang hindi sila mukhang tumatanda kasi ganun palagi ang style ng buhok nila—I mean, ulo pala. Presko kasi pag kalbo ka. Bukod sa malamig sa ulo kasi nahahanginan palagi, hindi pa masyado magastos sa kung anu-anong ka-ekekan na nilalagay at ginagamit sa ulo. Like Gatsby's gel, Hair Doctor comb, shampoo, anti-dandruff shampoo, mild conditioner, hair dye, spray net (although wala na yatang gumagamit nito ngayon unlike noong '80s na kumalat pa ang tsismis na nakaka-cancer daw 'yun). 'Yun nga lang medyo magastos sa pagpapa-shave every now and then. Ako, kada-sampung araw bago magpakita sa barbero ko. Uno uli, manong. Alam na ni barberong bading kung ano ibig sabihin nun. Sixty pesos uli. Ayos lang. At least hindi ako mukhang tumatanda ng mabilisan. Pag may buhok ka kasi, madaling makita ng mga tao na nagre-recede na ang hairline mo. Or may puting buhok ka na pala. Hassle lang 'yang buhok na 'yan. Buti na lang hindi ako naging babae. Punyeta, 'yung kaibigan kong babae gumagastos nang malaki para sa kung anu-anong ka-lechehan sa buhok. Re-bonding ba 'yun? Ewan ko dun. Although there are some guys who are so vain with their hair. But not to the extent of doing what some women are doing. Nabasa ko somewhere na ang mga Hollywood movie stars, they spend thousands of dollars a day just to get their hair done. Putangina, makakapag-tour na ako kung saan-saan dun sa perang ginagastos nila. Siguro galit nga lang talaga sila sa pera nila. Wala na silang ibang pinagkakagastusan.

1 message received:
FiSH
d2 na ko mrt cubao sori ha. w8 lng üüü

Reply ko: K. ngatz! ü

Punyeta. 2:30 ang usapan namin. Almost 3 o'clock na. Nagsimula na papanoorin namin. Nagtriple-ü ang leche. Akala nya nakakatawa s'ya ha. Grrr.

Palibhasa kasi ako nagyaya dito sa lakad namin. Ako na lang palagi nagyaya sa halos lahat ng mga naka-date ko. Everybody's waiting to be reached out to. Bad trip. Pero sa 'kin parang walang nagri-reach out. Kung meron man puro mga swangit naman. Talagang ang hirap maghanap ng matinong date ngayon. Madalas talagang nagde-deviate na ang purpose ko sa pakikipag-date. Parang naghahanap na lang ako ng mga bagong kwento sa bawat ka-date ko. Interesting kasi palagi ang mga kwentong totoo or imaginary ng bawat ma-meet ko sa lahat ng mga nakaka-EB or nakaka-chat ko sa mIRC or message boards or Yahoo clubs. Pero pare-pareho naman halos ang outcome ng meet-up. Ngayon nga mas mabait na ako kasi hindi ko na kaagad binubura ang mga cell numbers ng mga nakaka-EB ko. After one month pa. 'Tsaka wala na rin akong tinatakbuhan na ka-EB. Tao silang nagpakita sa'kin, so tao rin ang treatment ko sa kanila. Ayoko rin naman kasing mababastos. Ini-entertain ko sila for at least 30 minutes. Sayang din naman kasi ang pamasahe kung mabilisan lang ang EB. Nakikinig na lang ako kung sa anu-anong mga kwentong niluluto nila. Ayos din 'yun para may materials ako sa fiction class namin. 'Yun nga lang, bad trip kung medyo sinungaling 'yung ka-meet-up. Ang daming kwento pero punyeta puro kagaguhan. Pretentious morons. Kaya tama pa rin ang mga natutunan ko sa mga kabarkada ko. The Golden Rules of Chatting and Meeting People in the Internet:

1. Thou shall not fall in love or have any romantic involvement with anyone you haven't seen. Kahit nag-a-I LOVE YOU na kayo sa telepono, text, or chat, everything will change once you meet the person in flesh. The keyword here is everything.
2. Thou shall not reveal yourself too much to a person you haven't seen. If you do, be sure NOT to meet that person. Pwede n'yang gamitin 'yung mga secrets or personal issues mo against you. Blackmail pa ang aabutin mo.
3. Thou shall not brag or lie excessively. Malay mo isang psycho pala ang ka-meet-up mo and baka maghuramentado 'yan kapag na-disappoint sya sa'yo kapag mahangin ka masyado.
4. Thou shall not meet in your or his/her abode or in a very private place. Sa public place kayo dapat magmeet para iwas sa gulo. Mas maganda nga kung medyo maraming tao para pwede kang humingi ng saklolo kung sakaling mangyari 'yung masamang eksena sa rule #3.
5. Thou shall not fall in love or have any romantic involvement with anyone you have only seen for the first time. Love at first sight? Kaululan yun. Magkape ka para magising sa katotohanan.

Pero majority ng mga nagiging ka-steady date ko talaga ay 'di ko nakikita sa pakikipag-one-on-one EB. Palaging sa group EB ako nakakapag-fish ng prospect. Or recommendation ng kabarkada. Etong si FiSH na hinihintay ko ay ex ng kabarkada ko na naging ex din nung isang ex ko. Uso na kasi ang Melrose Place syndrome. Ganun na yata ang future natin—puro sharing of resources. Sa Internet pa lang, kung anu-ano na ang makukuha mo. Sari-saring freebies and mga shareware. Pati yata sa relationship may network na rin. Sharing of resources. Comparing notes. Pwede ko na ngang i-sketch ang pattern ng mga exes sa barkada. Para s'yang family tree. Parang yung Kevin Bacon Game na nili-link ang mga movie stars kung saan nila nakasama ang mga kakosang artista nila sa iba-ibang movies. Pwede din sa barkada namin 'yun:

Link Barkada A with Barkada B.
Si Barkada A ay naging ex ni Barkada Q na ex ni Barkada J na ex ng ex ni Barkada B.
Seven links 'yun, ah. Normal.

Alam ko parang ganun yata ang process why incestuous families don't multiply. Nagkakaubusan ng roots. Tapos 'di na lumalaki ang family. Hanggang dun na lang. Parang sa barkada. Feeling ko hindi na kami naggu-grow. Same old people, same old shit. Pero kung pag-iisipan mong mabuti, may point din naman ang ganito. At least sigurado kayo na walang outer diseases na makukuha sa grupo. Unless may naghudas at nakipag-relationship sa iba. Delikado 'yun. Sa mga communists kaya? 'Di ba, communal wives sila? Mukhang naka-slant towards communism na ang lifestyle and technology natin. Sharing of files sa internet, sharing of lovers din. 'Yun nga lang, walang social ideologies na ini-empart. Gaya nga ng sabi ng mga Marxist prof, dapat may ukol 'yan sa mga workers or sa masa. Hehe mukhang wala na talaga akong pakialam sa pinapangarap na Utopia ng mga kaawa-awa kong professors.

1 message received:
FiSH
pababa mrt. sori talaga. tnx 4 w8ing ü

Bilisan mo, puta. Three-quarter na. Dapat nagdala na lang ako ng mababasang libro. Para at least, hindi waste of time 'tong kakahintay sa mga punyetang tulad nito. Kung hindi lang kita fish, eh.

Buti na lang naka-shades ako para 'di ako lapitan ni Manong Security Guard kung bakit ako pakalat-kalat dito. 'Di naman ako mukhang hold-upper siguro. Kahit na balbas-sarado ako 'di naman ako mukhang mamatay-tao. 'Yun nga lang mukhang intimidating daw ako sabi nila. Kaya 'yun siguro ang dahilan kung bakit wala masyadong nagkakagusto sa akin kasi natatakot sila sa'kin. Teka mabait naman ako, ah. As far as I know wala pa akong nasusuntok or napapatay na tao. 'Yun nga lang, sabi nila, medyo masama daw ang talas ng dila ko minsan 'pag nagiging prangka ako. Eh leche kayo, na-train kaming magsalita ng ganun ng mga prof namin. At least hindi ako madaling mauto ng kung sinu-sino. Kaya kong ipagtanggol ang sarili ko. I am the captain of my ship. My way or the highway.

Try ko ngang matulog ng two minutes bago dumating 'yun. Para maramdaman nun na galit ako sa kanya at nayamot na sa paghihintay. tnx 4 w8ing ü… Ulul!

Everytime I close my eyes, I'm enveloped in this huge aura of nothingness. A red-black-red blanket of blackness with bright white (or yellow or orange) nerves of light streaks. And I feel nothing. But something wants to manifest in my consciousness. And nothing again. I can feel every sensation of nothingness in each part of my body. Just above my brows, between my temples, the involuntary muscles are impatiently struggling not to be possessed by nothingness. I see little shards, glimpses of my unconscious-turned-conscious: my stupid bland job, sexual fantasies with erotic slaves of the season, my season. Even fictional characters in the books I've read or the movies I've seen are haunting me. They are mouthing their words. I am trying to make sense of them all, but the truth is logic is non-existent in the unconscious. That is what I dictate to my unconscious. I am too much conscious about my unconscious. Concentrate. Back to nothingness. Let every appendage slouch with the gravity. Heaviness. Heaven. Nothing. Ano kaya kakainin ko mamaya? Concentrate. Black. Blanket. Unconscious. Nangangati siko ko. Teka kamutin ko muna. Ang kati din ng ulo ko. Concentrate. Shet, may dandruff yata ako. Whiteness. White flakes of nothingness and profundity. White. Peace. White Feather. Flying. Ala-Forrest Gump feather. Whitewhitewhite.

2 messages received:
+63919******0
Hey dude. Wazzup?

Mukhang nabura ko na 'ata 'to, kung sino man s'ya-sorry hehe. Erase Message? Yupyup. Next message:

madersuperior
151011022583830836

Ui. Binigyan ako ng load ni Mama. Yey! Use Number. Call.

You have successfully loaded P300. Please consume the total amount before February __, 2003.
Your current balance is P302.50.

Ma-text nga si FiSH. Oi l8 ka na. wer r

"Ui sorry."

Andito na pala sa harap ko si FiSH. Tumayo ako sa kinauupuan ko. "Ok lang. Kumain ka na?"

"Sa bahay pa. Sensya na talaga ha."

Killer-smile. Whitewhitewhite.

"Ano ka ba, ok lang ako, sabi."

"Mukhang nakatulog ka ha."

"Ok lang. Medyo napagod lang kagabi. Nagresearch ako para dun sa paper ko." 'Yan. My turn to smile. Ganda ng labi n'ya. Ang sarap kagatin. Makikiliti kaya 'to sa goatee ko? Pa'no kaya 'to humalik? Sana 'di nagyoyosi para mas masarap. Goal: in less than two weeks mahahalikan ko na'to.

"Wooshoo. Baka may iba kang nire-research kagabi ha. Kumain ka na?"

"'Di pa. Pero ayos lang. Dyeta ako." White lie, obviously. Para makunsensya.

"Di ka naman mataba, ah."

Nagpakita ako ng 'Yeah, right' facial reaction. Pa-humble effect. Sa'n kaya kami pwede kumain? Ano kaya gagawin namin pagkatapos manood ng sine? Alis na kaya s'ya? Wag naman sana. Sana s'ya naman magyaya. Kakapagod maghintay. Kaya dapat babawi s'ya sa'kin. Leche.

"Ui!" Para syang na-kuryente. Akala ko nabasa nya utak ko. 'Di pala. May nagtext sa kanya. Siguro naka-vibrating mode cell nya. Sino kaya nagtext sa kanya? Malamang prospects nya. Karibal. Tangina 'wag naman sana. Kunwari tingin din ako sa cell ko. Kunwari may itine-text. Tapos silip sa kanya. Bad trip ka.

"Tara pasok na tayo sa loob." Pero parang hindi nya yata ako narinig. No reaction. Tapos biglang, ngumiti.

Whitewhitewhite.

Nasundan pa yun ng mahinang tawa. Tapos mukhang pauli-ulit pa binasa yung text. Ang tagal. Puta, pasok na tayo sa loob. Tama na landian. Tangina mo kanina pa'ko naghihintay sa'yo ha.

Tumingin s'ya sa'kin. Smile naman ako. Smile din sya.

"Ui, teka wait lang ha."

Immediate reaction ko: ngumiti lang at tumango. Pero puta, kung pinag-isipan ko ng mabuti ang reaksyon ko, dapat ngumiti ako, tapos hinablot ko yung cellphone nya at sinupalpal sa mukha nya. Isusubo ko bunganga nya yun. Tangina. Pasalamat sya, prospect ko sya. Pasalamat sya, ganda ng lips nya. Killer-smile. Tangina. Killkillkill.

Pinaghintay nya pa ako ng mga twenty minutes pa. Putangina nun, ang dami nya yatang load. Tawag ako sa 1515 (balance check) para 'di ako magmukhang tanga sa kakahintay. Ui leche ka, tumingin ka dito. May kausap din ako! Ang landi namputa. Humahalakhak pa amputa.

Upo na lang muna ako. Try kong matulog. Or magtulug-tulugan. Baka sakaling may iba pang gumising sa'kin.

---------------

Karapatang-ari © 2003 Tinig.com
at ng mga may-akda
Reserbado lahat ang karapatan