v25
Enero 16-31, 2003
Home
About Us
Archive
Links
Feedback
Contribute
Forums
Guestbook

LATHALAIN
Mga Eksena sa Gitna at Gilid ng EDSA

WATAK-WATAK, kakaunti, at walang sigla ang paggunita sa ikalawang taon ng People Power 2.

SA EDSA Shrine, humigit-kumulang isang libong mga mambabatas, matataas na opisyal ng gubyerno at Simbahan, mayayamang mangangalakal, at pangkaraniwang tao ang nagtipun-tipon upang dumalo sa Banal na Misa at pakinggan ang mga bagong pangako ni Gloria Macapagal-Arroyo.


Pres. Gloria Macapagal-Arroyo


Vice President Teofisto Guingona


Youth leader Mong Palatino

Sa fly-over sa labas, nakalusot ang may 500 militante mula sa timog ng Kamaynilaan at doo'y isinigaw ang umano'y pagtataksil ng pamahalaan sa simulain ng EDSA, habang ang kanilang mga kasama—mga manggagawa, magsasaka, kababaihan, kabataa't mag-aaral, at mga taong-simbahan—na naa tapat ng Kampo Crame'y binabasa, pinupukpok, at pinilit madampot ng napakakapal na hanay ng "Pulis Power 'to."


Bayan Muna Rep. Satur OCampo

Pres. Gloria Macapagal-Arroyo

Militants hold a lightning rally at the EDSA flyover.

Tinig.com Associate Editor Alex Remollino and Columnist Mong Palatino.

Former Senator Raul Roco.

"Tagumpay sa EDSA, bigo kay Gloria."

"Onward with the struggle for justice and meaningful change."

Pulis Power ito!

Samantala, ang mga sasakyang napapalamutian ng lobo't streamer ng mga samahang sipsip sa gobyerno'y malayang pinadaan sa EDSA upang mapagtipon sa People Power Monument.

Sa Mendiola, ang ibang militante'y naniningil at patuloy na naghahamon sa pamahalaang Arroyo.

Sa Club Filipino, muling tumatahol ang makakapal ang mukhang mga tuta ni Joseph Estrada at ilang kaalyadong anti-Gloria—nagbabanta ng impeachment.

Samantala, ang karamihan ng mga mamamaya'y patuloy sa kani-kanilang mga gawain, kung 'di man nagngingitngit sa pagsisikip ng trapik na dulot ng mga kaganapan.

---------------
Si Ederic, 23, Patnugot ng Tinig.com, ay nagtapos ng Journalism sa UP Diliman at ngayo'y part-time reporter sa Kyodo News.

Karapatang-ari © 2003 Tinig.com
at ng mga may-akda
Reserbado lahat ang karapatan