v24
Enero 1-15, 2003
Home
About Us
Archive
Links
Feedback
Contribute
Forums
Guestbook

TULA
Salubsob

At sa
Pagitan
Ng iyong mga
Buntong hininga
Uusal ka ng iyong
Bulol na orasyon, saliw sa tugtog
Ng kabog ng yong minamasong dibdib;
At kapag buong layang ibinuka ang labing tikom
Mag-uunahang magsitakas ang hanging ikinulong
At saka dadaloy… at dadaloy na mainam
Luhang nag-uunahan sa pugtong mata
Sa pag-amot ng pag-asa sa
Akalang maibsan ang sakit
Na sa laman ay sumiksik
Dahil sa pagtutuos
Buhay nga'y kapos
Kahit sa sanlibong
Pagtitika…

---------------
Si Rowan ay taga-Limay, Bataan.

Karapatang-ari © 2002 Tinig.com
at ng mga may-akda
Reserbado lahat ang karapatan