Sa impiyerno raw ang tuloy
kapag hinayaan kong damhin
ng aking palad
ang pagitan ng aking mga hita.
Hindi raw ako ituturing
na babaeng pinagpala
sa babaeng lahat
kapag hinaplus-haplos
ang sariling kahubdan.
Walang anghel na babati,
walang koronang ipuputong,
walang koro ng aleluyang
sasalubong sa iyong kaluluwa;
ang langit ay di abot-kamay.
Ngayon pa lang,
sinusunog na ako sa impiyerno.
---------------
Si Christine ay nagma-master's sa Malikhaing Pagsulat sa UP Diliman,
Project Coordinator ng isang foreign-funded organization, nagpipinta,
nangangarap mag-saranggola sa EDSA, magka-anak nang walang asawa at
nanaginip nang gising...