v24
Enero 1-15, 2003
Home
About Us
Archive
Links
Feedback
Contribute
Forums
Guestbook

Ang Mahiwagang Lalaki sa Aking Panaginip

AKO NGA pala si Clarissa. Ang isasalaysay ko ay isang kakaibang karanasan—isang karanasan na hindi ko makalimutan.

Nagsimula ito nang ako ay magtapos ng high school. Nagbabakasyon ako sa lumang bahay ng namayapa kong lola sa Tagaytay. Hapon na noon. Ako'y nagpapahinga. Mahimbing ang aking tulog. Nanaginip pa nga ako.

Napanaginipan ko ang isang lalaki. Matangkad siya, moreno, guwapo at nakatingin siya sa akin. Tinatawag ko siya, hindi niya ako pinapansin. Parang wala siyang narinig.

Nang lumuwas ako ng Maynila, napanaginipan ko ulit ang lalakeng ito. Ganun pa rin ang postura niya. Nakatayo at nakatingin sa akin. Tinatawag ko ulit siya para kausapin pero hindi nya ako pinapansin.

Sino siya? Ano ang kanyang pakay? Bakit niya ako dinadalaw sa aking panaginip? Isa itong malaking palaisipan.

Patuloy pa rin niya akong dinadalaw sa aking panaginip. Minsan, gabi-gabi ko siyang nakikita sa panaginip ko. O kaya, kung hindi ko siya napanaginipan ngayon, sa isang buwan naman o sa isang linggo. Malaking palaisipan sa akin ito.

Sino siya? Ano ang kanyang pakay? Bakit niya ako dinadalaw sa aking panaginip? Isa itong malaking palaisipan.

---------------
Si Kathy, 21, ay nag-aaral sa Chiang Kai Shek College. MAhilig siyang magsulat ng maikling kuwento, magbasa ng mga aklat at magazines, manood ng TV at sine, at mag-shopping.

Karapatang-ari © 2002 Tinig.com
at ng mga may-akda
Reserbado lahat ang karapatan